Photo from thesusanblog.com
I’ve been busy the past few weeks
both with work and on this book I’ve been writing. Iwas burnout muna so yes… I
have to be in trance tonight and leave my toxic world for a few hours. Ergo,
magsusulat ako.
I read a post somewhere one time. I can’t remember
when exactly pero medyo matagal na. Thought-provoking, matagal ko na gusto
i-tackle yung topic pero ngayon lang ako nagka-oras talaga. As stated on the
post…
Kailan mo malalaman kung dapat ka na mag-let go sa
relationship?
I wish I could talk to the one who posted it so I could have
a clear view of the situation but since I have no idea what the whole story is,
in general ko nalang ididiscuss. I’m no expert, so whatever it is na
mababasa niyo, sakin lang ‘to. Disclaimer lang :)
Going back to the topic…
Kung ako lang… maingat ako when I get myself involved in a
relationship. I don’t know how it is with other people, but for me, hindi ako
nakikipagrelasyon kasi kung kanikanino lang. Oo, siguro nga pwedeng masabi na
pihikan ako. Hindi dahil masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko. Mapili
ako kasi pag nasa relationship ako, I want it with someone na sigurado akong
ipaglalaban ko kahit hanggang saan kami makarating. So kailan ba dapat mag-let
go? Depende yan sa sitwasyon and how you look at it. Sakin kasi, I have my
non-negotiables. Maghihiwalay lang tayo sa tatlong rason, No 1: you cheat on
me, No.2 pag pinaramdam mo sakin na hindi ka na masaya and No.3 ikaw ang makikipagbreak sakin
for whatever reason you have. Other than that, I can bear. As long as I can see
that the person I am with is doing everything to make the relationship
work, hindi ko siya bibitawan. Because when you want someone to stay in your
life and if you know that they want you in theirs too, you fight for it.
Period. Pero pag hindi mutual ang feeling, kung ako ang bibitawan, ibang usapan
na yun.
You fall in love with someone for a reason. You just don’t fall out ng ganun ganun lang.
Na gigising ka isang araw ayaw mo na? Being in a relationship is not easy at
hindi yan araw araw sparks and fireworks. Even if you ask people who have been
with their partners for years and decades, iisa sasabihin nila sayo. That keeping
a relationship is hardwork. Hindi yan tipong araw araw in love ka. Walang
ganun. There will be days na nakakapikon siya, na ang sarap niyang kalbuhin, na
magagalit ka, mag-aaway kayo, na nakakasawa, na feeling mo ayaw mo na… but
that’s the point. FEELING lang yun. Ang tanong… anong gagawin mo sa FEELING na
yan? Will you nurture it o lalabanan mo?
I’m not saying that this is how relationships should be kasi
kanya kanya naman yan pero para sakin, ang relasyon na nagtatagal, binubuo yan,
hindi yan kusang nangyayari. Every waking day that you are in that
relationship, you make a decision to be with that person and to love them even
during moments that they're the hardest to fall for. I’m not saying na obligasyon
yan but that’s what it means when you COMMIT yourself to someone and that is
why you really have to choose who you give your heart to. Kasi pag binigay mo
na yung puso mo, kasunod na niyan yung isip mo, lahat ng ikaw buong buo. So
when you say YES to someone, do everything to protect what you have lalo na
kung alam mong worthy yung tao kasi kung lahat ng tao susukuan mo, walang
matitira sayo…
The question is not “MAHAL ko pa ba?” kasi araw araw pwede
yan magbago.
Ang tanong… “MAMAHALIN ko pa ba?” kasi once pagdesisyunan
mong OO ang sagot diyan, walang ng dapat pang pag-usapan.
Carpe diem!
Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy
No comments:
Post a Comment