I have been asked by many kung papano nagsimula ang Project Ex. Sino ba naging inspirasyon ko? Totoo nga bang may Zander at Jill? Sino ba si Abciddy at saan siya nagsimula?
Before I proceed with the last two chapters of Project Z,
dahil marami ang interesado malaman yung totoong kwento sa likod ng librong
sinulat ko, I’ll tell you a few things about me, Project Ex and the characters
in the story.
First, sino nga ba si Abciddy? Abciddy is my pseudonym or
penname. It was derived from the letters ABCD but I tweaked it a bit kaya
naging Abciddy (pronounced as Absidi). It represents my love for letters,
words, sentences, paragraphs, chapters, and books. Why am I hiding behind an
alias? Marami na nagtatanong kung bakit hindi ko nalang gamitin totoong
pangalan ko, the real reason is that I want the readers to focus on the stories
that I write. I’m not really after the praise and adulation. Wala sa misyon ko
ng pagsusulat ang magpasikat dahil ang gusto kong maging sentro ng lahat ay yung
mga kwentong binubuhay ko mula sa imahinasyon ko. I want people to talk about
the story and the characters, not me. Maybe one day my face would appear
somewhere, na baka malaman din eventually kung sino talaga ako, pero sa ngayon,
masaya na ako na maraming nakakarelate at somehow natututo sa mga sinusulat ko.
I have been a writer for so many years but I did it as a
job. Grade 4 palang ako pangarap ko ng makasulat ng isang kwento. Sa edad kong
yun nakakatawa na ang topic ko lagi sa mga sinusulat ko ay tungkol sa pag-ibig.
Oo nga naman, ano nga bang alam ko sa “love”? The first ever story I wrote,
sinulat ko sa apat na ¼ sheet na papel. Ganun ka-iksi pero may simula at
ending. I can’t exactly remember the story at hindi ko siya naitabi dahil
napulot siya ng nanay ko at itinapon. Napagalitan ako dahil sabi niya bata pa
daw ako at hindi ako dapat nagsusulat ng mga ganun. But that was then, ngayon
supportive naman na magulang ko sa mga bisyo ko sa buhay at isa na dun ang
magsulat ng magsulat ng magsulat. I didn’t stop writing. I remember I was able
to write 5 or 6 more stories and my first readers were my classmates nung
elementary pa ko. I’m not sure if they remember it the same way I do pero ako
hindi ko nakalimutan kasi whenever I look back, I am reminded that this is what
I am really born to do.
High school and college came at nahinto ako sa pagsusulat
dahil nalinya ako sa ibang bagay but never was there a time na nakalimutan ko
yung pangarap ko na makatapos ng libro. The course I took in college is
surprisingly not related to creative writing. Akala ko nung umpisa hobby lang
‘to but as time passed, even after college, ang pagsusulat ang nag-iisang bagay
na binabalik-balikan ko. I have tried different jobs, managed a few businesses
pero dito ako bumabalik. Finally, I embraced my calling but it was not an easy
path because I had to give up comfort and a lot more things na kinalakihan ko’t
nakasanayan. It became my bread and butter pero ako na ang unang magsasabi sa
inyo that writing is not as profitable compared to regular office jobs
especially when you do it freelance. But that’s only the part that pays all the
bills.
It was only recently that I took a shot in writing a full
story kaya nagkaron ng Project Ex. I’ll tell you how the idea came up on my
next blog. Anyway, right now I struggle between life and work pero ang
pagsusulat ko ng mga kwento ang nagbabalanse ng lahat. Kung meron man akong
mababahaging payo to all young writers na makakabasa nito, ito lang… DO WHAT
YOU LOVE AND LOVE WHAT YOU DO. Cliché man pero totoo. Ang pagmamahal ko sa
pagsusulat ay sing tindi ng pagmamahal ni Zander kay Jill at sing tibay ng
paniniwala ni Jill na si Zander lang ang para sakanya :p If God blessed you
with that much passion in writing or in something else, honor Him by using it. Write
because you want to share your story. Write because you want to get your word
out. Write because you want to share your world to other people. Give them hope
about life and love. Write about its magic, write about what’s real, write
about what others think is impossible. Hindi mo kailangan maging magaling kasi
minsan ang sobrang pagnanais na maging magaling nauuwi sa pakikipagkumpetensiya
sa iba. All you need is to feed your passion to write and inspire other people
and trust me, you’re good to go. J
Carpe diem!
Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy
No comments:
Post a Comment