Thursday, November 6, 2014

The Real Girl X

Photo from wizzersworld.com


Someone who's really dear to me wrote something this morning and as I was reading it, I didn't expect happy tears to stream down my face. To think na hindi naman ako ganun kaiyakin. Nabasa daw niya yung blog ko about who Abciddy really is kaya niya naisip isulat 'to. To you, maraming maraming salamat. Natunaw ang puso ko dito. Seryoso :')

Sino nga ba si Abciddy sa mata ng isang taong totoong nakakakilala sakanya? :)

--

Tanda nyo nung panahon ng Friendster? There's this thing called testimonial? It was used to supplement your profile or about me. Back then, people were writing this on your profile to let your other friends know what kind of a person you are. Nawalan na lang ng saysay nung naglaon.

Anyway, i am not writing to discuss about Friendster. Baka nga kinder pa karamihan sa magbabasa nito nung nauso yun. My point is, I want to write something like that for Abciddy. But since i dont have a blog to post it, binigay ko na lang sa kanya.

Sino nga ba si Abciddy? Or Anong klaseng tao si Abciddy???

I can't answer the first one kasi kahit alam ko ang buong pangalan nya, sa sitwasyon ng buhay karera nya, mas bagay na syang tawaging Abciddy at hindi kung ano pa man. Ni totoong pangalan nya hindi na bagay sa kanya. Definitely I can spill the latter and this is my way of telling you na maswerte ako na kilala ko sya.

I know she already wrote something about herself but I think that was not enough for her readers including myself.

These are some of the many things I know about her that i'd be gladly sharing with you.

1. Girl X
Sya ang original na Girl X.

A friend used to dedicate blog posts from QWERTY (her past penname). Manghang mangha ako kung paano sya magsulat at mag-isip. Parang kahit complicated na, pag sya na nagpaliwanag, ang dali lang pala. Sabi ko, kailangan ko makilala 'tong taong 'to. But where could I find her? Kahit itype ko sa google yung QWERTY, kahit isa walang hit.

Pero ewan ko ba naman kung paano kami pinaglaruan ng tadhana, nakilala ko sya. I told her about QWERTY and my want to meet her. Ka swerte ko namang nilalang, nasa harapan ko na pala.

2. Tambay ng coffee shop
Since I got to know Abciddy, bukangbibig nya na yung pangarap nyang coffeeshop. May pangalan na nga e, may design na din. Alam na din nya kung san nya itatayo.

If you want to stalk Abciddy, here's a clue where you could find her most of the time. It's a coffee shop in Quezon City that was once seen in a movie. She could stay there from morning to have breakfast until late night after party.

3. Mahilig sa ice cream
Sya ang original na mahilig sa ice cream. Like Zander, yun din ang comfort food nya.

4. Lantern
Remember the 11/11/11 event in Mercato? Dapat pupunta kami dun e. Kilig na kilig sya sa excitement kasi naiimagine nya na yung kagaya sa movie na Tangled. Because of safety reasons, hindi natuloy yung mismong event so we ended up lighting our own. Mas maliwanag pa ngiti nya sa mga lanterns. Naiimagine nyo ba? :)

5. Simple
Unlike Zander, wala syang pakialam sa suot nya. Deadma sa brand, deadma na sa fashion. Pero hindi ibig sabihin nun dugyot sya manamit. She's more like Jill. Simple lang tsaka yung comfortable. Shirt, jeans and sneakers konting spray ng perfume, gora na!

6. Mahaba magtext
Siguro kasi writer sya kaya most of the time tanungin mo sya, ang sagot nya sayo mala 3 links. Example, Q: "Kumain ka na?" A: "Yup. Kasabay ko sila mommy. Nagluto kasi sya ng paborito kong kare-kare. Medyo late nga lang kasi ang tagal palambutin ng karne tsaka hinintay pa si daddy para sabay sabay na kami. Ending hindi naman pala sya dito magdidinner."

Ganong level!

And unlike Zander, hindi sya jeje magtext. Buong buo. Complete with punctuation marks and correct capitalization.

7. Friendly
Huli na siguro 'to. Kasi kabaliktaran ako nung number 6 e. :)

Wala syang masamang tinapay sa tao. She doesn't judge. Kahit sabihin mong masama ugali ni ganito ni ganyan, hahanapan pa din nya ng maganda sa kanila.

This is the reason kung bakit lahat ng kaibigan ko kaibigan na din nya.

I hope one day, you guys get to know her personally too. She's more than a writer. She's a lecturer. Unconsciously, she moves people's lives and plays with their emotions through writing. Tama nga sya nung sinabi nya na her works are more important than who the real Abciddy is. May you be inspired to live and love everytime you read her words. You are a huge part of her motivation to write more and better.

Until here,

-The Original Jill
(JK. Just kidding o initials ng name nya?) :p


Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy

No comments:

Post a Comment