Friday, May 15, 2015

Walang Forever



“Walang Forever”

Isang napakapait na statement na aaminin ko minsan ko na ding sinabi. Out of katuwaan, pang-aasar sa isang taong personal kong kakilala na bitter, o siguro partly may hugot na rin pag brokenhearted ako. Pero kahit ilang beses ko sabihing “walang forever”, nakakatawa na dun at dun ako bumabalik… sa paniniwalang may true love.

This blog post is dedicated to a friend of mine who just broke up with her long time boyfriend and won’t stop saying “walang forever”. Won’t mention your name na, baka tambangan mo ko sa labas. :p

This is just my opinion about the ever-gasgas topic na “forever” at “true love”. May kanya kanya tayong paniniwala so siyempre I respect those na naninindigan na wala talagang forever. Ika nga nila “walang basagan ng trip”. ;)

It all depends on your definition of “forever”…

Kung naniniwala ka na ang true love walang bahid ng sakit o kurot o sapak o saksak sa puso… wala talagang forever.

Kung ang pananaw mo sa true love puro happiness lang and there should never be any bump in the road… wala talagang forever.

Kung sa tingin mo ang true love perpekto at bawal magkamali… tama ka, wala ngang forever.

Kung tatanungin ako kung naniniwala ba ko sa forever, ang hirap sagutin sa totoo lang dahil ang tanging pagmamahal na naranasan ko that will stand the test of time eh yung pag-ibig na meron ako sa Taas at sa mga magulang ko. But if we will talk about romantic love, I failed… so many times with different people. Naging bitter din ako. Napaisip din kung totoo bang may true love o isa lang siyang kathang isip na pilit nating  inaasahan na mangyayari sa totoong buhay.

“Hindi dahil hindi pa nangyayari sayo, ibig sabihin hindi na nageexist.”

One good friend of mine told me that before. True love, forever… I’ve seen it happen. Masaklap kasi hindi sa akin pero sa mga tao sa paligid ko oo. Maraming nagdududa dahil feeling nila imposible na may ganung klaseng pagmamahal… pure and lasting. One that will endure all the odds.

It may or may not happen to me but I will never lose my faith on love. I may or may not fall in love again but as long as I see it happen to the people around me, kokonti man sila, I will never give up on love. Hopeless romantic, cheesy, corny, what have you… I couldn’t care less because I feel it in my heart na part siya ng calling ko that’s why I write about love. Hindi para papaniwalain ang buong universe na totoo ang forever kundi iopen ang mga mata ng tao sa possibilities. Na dapat magsimula sayo before magmanifest sa mundo mo. Na hindi mo pwedeng asahan na ang true love kusa lang nangyayari dahil sa real world, ang true love at forever pinagtatrabahuan ng dalawang taong naniniwala.

I believe in forever not because I have experienced it, I believe in forever because it is and will always be my choice dahil kung hindi ako maniniwala, ano pa paniniwalaan ko? Hindi naman ako halaman. May puso ako, gusto ko gamitin, at gagamitin ko na rin lang bakit pa ko magtitipid? Nakakaubos. Nakakabaliw. Nakakagago. Nakaka-p*tang ina. Pero kahit ganun, nakakatawa pero gusto ko pa rin maranasan. Magmahal, masaktan, sumaya, kabahan, kiligin, mainis, malungkot… lahat. Call me crazy but this is who I am and this is how I want to experience love. Na kahit ilang beses na minaso, inapakan, dinurog, tinapon, pinabayaan yung puso ko, it will heal on its own kasi… makulit eh… gusto pa magmahal ulit. Maingat ng slight pero totoo. May konting takot pero buo.

I believe that I am capable of giving that kind of love. True love. Forever. Kung anupaman. Ang kulang nalang yung makahanap ako ng isa pang baliw na katulad ko. Kung dumating siya, eh di wow. Kung hindi, my heart will never cease to be happy kasi alam ko, merong forever at sinimulan ko sa sarili ko. :)


Carpe diem!

Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy

Wednesday, May 13, 2015

Thoughts on Fangirling / Fanboying

Photo from www.billboard.com

Topic request from one of my readers, my thoughts daw on being a fan. Sorry Dezza it took me this long to get this blog done. :p

Anyway, here it is…

I’m sure maraming makakarelate kasi I believe at one point sa buhay natin meron tayong hinangaan ng sobra, pwedeng celebrity, athlete, author, known personality, or maybe someone na hindi kilala ng iba pero sa community niyo kilala siya. Para sa akin, walang masama maging fan. Actually nakakadagdag pa nga yan ng kulay sa buhay kasi with so many things going on in our lives, being updated about what they do, where they at, what keeps them busy, nagiging sort of escape natin yan from our sometimes stressful reality.

I’ve been observing a lot sa social media. I see a lot of people, as they term it, “fangirling” or “fanboying”. Minsan nakakatuwa, nakakapagtaka, pero may mga cases na nakakaalarma. When does this happen? Pag sumosobra.

Ang saya naman kasi talaga. Yung feeling na nag-aabang ka sa mga susunod na mangyayari. It’s as if you’re living a double life – mundo ng realidad at yung mundo na alam mong temporary pero hindi mo maiwasang maamuse sa mga taong hinahangaan mo at sa mga taong nakikilala mo na gaya mo, pumapantasya din.

Pero ito yun…

Ang pagiging fan ay dapat “fun”. Once na nagsimula ka ng makasakit ng iba (pambabash sa iba maipagtanggol lang ang hinahangaan mo) at mapansin mong nagiiba na yung pagkatao mo at naisasantabi mo na ang values mo alang alang sa tinatawag mong “idolo”, iba na yun. You become a fan of someone because you are inspired by them and when you are inspired, your life becomes better. Whatever quality it is na naging dahilan ng pagiging fan mo, you emanate it in your own life kasi gusto mo somehow maging ganun ka din.

There’s a thin line between “being inspired” sa “idolatry”. The former, positive yung effect while the latter… hmm… medyo bumoborder na yata yun sa pagwoworship sa isang tao which is hindi na nakakaganda dahil kung may sasambahin ka man, hindi dapat sila yun dahil gaya mo, tao din sila. When you become a fan of someone, hindi mo ‘to mapapansin but you invest time, money and emotions. What they go through, parang pinagdadaanan mo din. It is fun, yes. But only to a certain point. This I would like to reiterate lalo na sa younger generation… guys and girls… at the end of the day, may sarili silang buhay at ang pinakaimportante… may sarili ka ring buhay.

“Fangirling” should only add spice to your already-amazing life. You don’t need celebrities, known personalities, and whoever to make your life awesome and interesting. Bago mo maappreciate ang nakikita mo sa ibang tao, learn how to appreciate your own life first. I’m not saying na masama maging fan, what I’m saying is, hindi dapat sila ang top priority. Ok lang na magbigay suporta, ok lang na magpakita ng pagmamahal sa taong hinahangaan mo, pero set your boundaries dahil once nacompromise na ang totoong dapat priority mo (God, family, work, friends, at sarili mo) then I tell you… you’re in big trouble.

Pano mo malalaman pag priority mo na ang “idol” mo: Above everything and anything, siya ba ang uunahin mo? Tipong lahat ipagpapalit mo wag ka lang makamiss out ng game, concert, pelikula, meet and greet, o kung anupaman ng “idol” mo? Nagkakaron ka na ng tinatawag nilang FOMO (Fear Of Missing Out). In other words, sakanya na umiikot mundo mo.

That world is an escape… but that’s just it. An escape. It is temporary, it is fleeting. Ikumpara natin sa vitamins. Ang vitamins pampagana, pampadagdag energy, pero yun lang sila. Hindi pwedeng puro vitamins lang, kailangan mo rin kumain ng TOTOONG pagkain para mabuhay ka.

Sa lahat ng may mga fans, (as if naman mababasa niyo ‘to eh mostly naman sa inyo eh artista) :p O sige, shoutout nalang sa universe, kung sakali mang may makabasa nito na may mga fans…

Alagaan mo sana yung mga taong sumusuporta at humahanga sayo. May responsibilidad ka sa mga taong yan. Maaaring hindi mo naman sila inutusan na hangaan ka pero hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganyang opportunity. Hindi naman sa pagiging righteous o pa-hero pero kung biniyayaan ka ng langit ng ganyang klaseng impluwensya, gamitin mo sa tama. When people say that they believe in you, that you inspire them, that they have faith in what you can do… BE WORTH IT.

At para naman sa mga fans ng kahit sinong personalidad, hindi mo mapipili kung kanino ka kikiligin, kung sinong tao ang hahangaan mo, kung anong klaseng “fandom” ang gusto mong kabilangan, etc. Walang problema dun. We are all free to admire anyone na gustuhin natin pero siyempre, dapat may limitasyon. Whatever you see on television, whatever write-ups or publicities you read and hear, kahit i-stalk niyo pa sila at sundan araw araw, you will only know a chunk of their life because their reality, kung sino talaga sila, ano talaga sila pag walang nakatingin, sila lang at wala ng iba ang nakakaalam nun. And just a thought… Tinutulungan mo sila matupad pangarap nila, ang tanong… pano yung mga sariling mong pangarap kung ubos na ang oras mo kakastalk at kakasagap ng kung anong bago sakanila? ;)

“Fangirl” in moderation ika nga. Be inspired by them but your own life should always be your priority. Sa buhay mo, hindi kung sinumang kilalang personalidad o artista kundi ikaw… ikaw dapat ang bida. :)


Carpe diem!

Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy