Photo from www.billboard.com
Topic request from one of my readers, my thoughts daw on
being a fan. Sorry Dezza it took me this long to get this blog done. :p
Anyway, here it is…
I’m sure maraming makakarelate kasi I believe at one point
sa buhay natin meron tayong hinangaan ng sobra, pwedeng celebrity, athlete, author,
known personality, or maybe someone na hindi kilala ng iba pero sa community
niyo kilala siya. Para sa akin, walang masama maging fan. Actually nakakadagdag
pa nga yan ng kulay sa buhay kasi with so many things going on in our lives,
being updated about what they do, where they at, what keeps them busy, nagiging
sort of escape natin yan from our sometimes stressful reality.
I’ve been observing a lot sa social media. I see a lot of
people, as they term it, “fangirling” or “fanboying”. Minsan nakakatuwa,
nakakapagtaka, pero may mga cases na nakakaalarma. When does this happen? Pag
sumosobra.
Ang saya naman kasi talaga. Yung feeling na nag-aabang ka sa mga susunod
na mangyayari. It’s as if you’re living a double life – mundo ng realidad at
yung mundo na alam mong temporary pero hindi mo maiwasang maamuse sa mga taong
hinahangaan mo at sa mga taong nakikilala mo na gaya mo, pumapantasya din.
Pero ito yun…
Ang pagiging fan ay dapat “fun”. Once na nagsimula ka ng
makasakit ng iba (pambabash sa iba maipagtanggol lang ang hinahangaan mo) at
mapansin mong nagiiba na yung pagkatao mo at naisasantabi mo na ang values mo
alang alang sa tinatawag mong “idolo”, iba na yun. You become a fan of someone
because you are inspired by them and when you are inspired, your life becomes
better. Whatever quality it is na naging dahilan ng pagiging fan mo, you emanate
it in your own life kasi gusto mo somehow maging ganun ka din.
There’s a thin line between “being inspired” sa “idolatry”.
The former, positive yung effect while the latter… hmm… medyo bumoborder na
yata yun sa pagwoworship sa
isang tao which is hindi na nakakaganda dahil kung may sasambahin ka man, hindi
dapat sila yun dahil gaya mo, tao din sila. When you become a fan of someone, hindi
mo ‘to mapapansin but you invest time, money and emotions. What they go
through, parang pinagdadaanan mo din. It is fun, yes. But only to a certain
point. This I would like to reiterate lalo na sa younger generation… guys and
girls… at the end of the day, may sarili silang buhay at ang pinakaimportante…
may sarili ka ring buhay.
“Fangirling” should only add spice to your already-amazing
life. You don’t need celebrities, known personalities, and whoever to make your
life awesome and interesting. Bago mo maappreciate ang nakikita mo sa ibang
tao, learn how to appreciate your own life first. I’m not saying na masama
maging fan, what I’m saying is, hindi dapat sila ang top priority. Ok lang na
magbigay suporta, ok lang na magpakita ng pagmamahal sa taong hinahangaan mo,
pero set your boundaries dahil once nacompromise na ang totoong dapat priority
mo (God, family, work, friends, at sarili mo) then I tell you… you’re in big trouble.
Pano mo malalaman pag priority mo na ang “idol” mo: Above
everything and anything, siya ba ang uunahin mo? Tipong lahat ipagpapalit mo
wag ka lang makamiss out ng game, concert, pelikula, meet and greet, o kung
anupaman ng “idol” mo? Nagkakaron ka na ng tinatawag nilang FOMO (Fear Of Missing Out). In other words, sakanya na umiikot mundo mo.
That world is an escape… but that’s just it. An escape. It
is temporary, it is fleeting. Ikumpara natin sa vitamins. Ang vitamins
pampagana, pampadagdag energy, pero yun lang sila. Hindi pwedeng puro vitamins
lang, kailangan mo rin kumain ng TOTOONG pagkain para mabuhay ka.
Sa lahat ng may mga fans, (as if naman mababasa niyo ‘to eh
mostly naman sa inyo eh artista) :p O sige, shoutout nalang sa universe, kung
sakali mang may makabasa nito na may mga fans…
Alagaan mo sana yung mga taong sumusuporta at humahanga
sayo. May responsibilidad ka sa mga taong yan. Maaaring hindi mo naman sila inutusan
na hangaan ka pero hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganyang opportunity. Hindi
naman sa pagiging righteous o pa-hero pero kung biniyayaan ka ng langit ng
ganyang klaseng impluwensya, gamitin mo sa tama. When people say that they
believe in you, that you inspire them, that they have faith in what you can do…
BE WORTH IT.
At para naman sa mga fans ng kahit sinong personalidad,
hindi mo mapipili kung kanino ka kikiligin, kung sinong tao ang hahangaan mo,
kung anong klaseng “fandom” ang gusto mong kabilangan, etc. Walang problema
dun. We are all free to admire anyone na gustuhin natin pero siyempre, dapat
may limitasyon. Whatever you see on television, whatever write-ups or
publicities you read and hear, kahit i-stalk niyo pa sila at sundan araw araw,
you will only know a chunk of their life because their reality, kung sino
talaga sila, ano talaga sila pag walang nakatingin, sila lang at wala ng iba ang
nakakaalam nun. And just a thought… Tinutulungan mo sila matupad pangarap nila,
ang tanong… pano yung mga sariling mong pangarap kung ubos na ang oras mo kakastalk
at kakasagap ng kung anong bago sakanila? ;)
“Fangirl” in moderation ika nga. Be inspired by them but
your own life should always be your priority. Sa buhay mo, hindi kung sinumang
kilalang personalidad o artista kundi ikaw… ikaw dapat ang bida. :)
Carpe diem!
Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy
No comments:
Post a Comment