Friday, May 15, 2015

Walang Forever



“Walang Forever”

Isang napakapait na statement na aaminin ko minsan ko na ding sinabi. Out of katuwaan, pang-aasar sa isang taong personal kong kakilala na bitter, o siguro partly may hugot na rin pag brokenhearted ako. Pero kahit ilang beses ko sabihing “walang forever”, nakakatawa na dun at dun ako bumabalik… sa paniniwalang may true love.

This blog post is dedicated to a friend of mine who just broke up with her long time boyfriend and won’t stop saying “walang forever”. Won’t mention your name na, baka tambangan mo ko sa labas. :p

This is just my opinion about the ever-gasgas topic na “forever” at “true love”. May kanya kanya tayong paniniwala so siyempre I respect those na naninindigan na wala talagang forever. Ika nga nila “walang basagan ng trip”. ;)

It all depends on your definition of “forever”…

Kung naniniwala ka na ang true love walang bahid ng sakit o kurot o sapak o saksak sa puso… wala talagang forever.

Kung ang pananaw mo sa true love puro happiness lang and there should never be any bump in the road… wala talagang forever.

Kung sa tingin mo ang true love perpekto at bawal magkamali… tama ka, wala ngang forever.

Kung tatanungin ako kung naniniwala ba ko sa forever, ang hirap sagutin sa totoo lang dahil ang tanging pagmamahal na naranasan ko that will stand the test of time eh yung pag-ibig na meron ako sa Taas at sa mga magulang ko. But if we will talk about romantic love, I failed… so many times with different people. Naging bitter din ako. Napaisip din kung totoo bang may true love o isa lang siyang kathang isip na pilit nating  inaasahan na mangyayari sa totoong buhay.

“Hindi dahil hindi pa nangyayari sayo, ibig sabihin hindi na nageexist.”

One good friend of mine told me that before. True love, forever… I’ve seen it happen. Masaklap kasi hindi sa akin pero sa mga tao sa paligid ko oo. Maraming nagdududa dahil feeling nila imposible na may ganung klaseng pagmamahal… pure and lasting. One that will endure all the odds.

It may or may not happen to me but I will never lose my faith on love. I may or may not fall in love again but as long as I see it happen to the people around me, kokonti man sila, I will never give up on love. Hopeless romantic, cheesy, corny, what have you… I couldn’t care less because I feel it in my heart na part siya ng calling ko that’s why I write about love. Hindi para papaniwalain ang buong universe na totoo ang forever kundi iopen ang mga mata ng tao sa possibilities. Na dapat magsimula sayo before magmanifest sa mundo mo. Na hindi mo pwedeng asahan na ang true love kusa lang nangyayari dahil sa real world, ang true love at forever pinagtatrabahuan ng dalawang taong naniniwala.

I believe in forever not because I have experienced it, I believe in forever because it is and will always be my choice dahil kung hindi ako maniniwala, ano pa paniniwalaan ko? Hindi naman ako halaman. May puso ako, gusto ko gamitin, at gagamitin ko na rin lang bakit pa ko magtitipid? Nakakaubos. Nakakabaliw. Nakakagago. Nakaka-p*tang ina. Pero kahit ganun, nakakatawa pero gusto ko pa rin maranasan. Magmahal, masaktan, sumaya, kabahan, kiligin, mainis, malungkot… lahat. Call me crazy but this is who I am and this is how I want to experience love. Na kahit ilang beses na minaso, inapakan, dinurog, tinapon, pinabayaan yung puso ko, it will heal on its own kasi… makulit eh… gusto pa magmahal ulit. Maingat ng slight pero totoo. May konting takot pero buo.

I believe that I am capable of giving that kind of love. True love. Forever. Kung anupaman. Ang kulang nalang yung makahanap ako ng isa pang baliw na katulad ko. Kung dumating siya, eh di wow. Kung hindi, my heart will never cease to be happy kasi alam ko, merong forever at sinimulan ko sa sarili ko. :)


Carpe diem!

Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy

1 comment:

  1. Abciddy, my forever eye opener when it comes to love. You made me want to try harder in believing in truelove and forever! 😂😍😘

    ReplyDelete