Saturday, June 27, 2015

Do You "Like" Your Life?


“Buti pa si ganito…”
“Galing ni ano noh? Nakita ko lang sa mga posts niya.”
“Siguro si ano ganyan. Napansin mo sa mga status?”

Yan ang kadalasan natin masabi, mabasa at marinig kung saan saan. Bigla ko naisip, yung mga nakikita natin kaya online, yun kaya talaga sila? Yun ba talaga nangyayari sa buhay nila? Then I started looking at my own feeds. Nire-read ko yung mga status ko sa FB. Paulit ulit tiningnan mga photos sa personal Instagram account at binasa yung mga comments. Kung hindi ako ang may-ari ng mga accounts na yun at pawang nakikitingin at nakikibasa lang, ano kaya magiging impression ko sa sarili ko?

Hindi naman ako bored. Ewan ko bakit ko ‘to naisip. Siguro sadyang malikot lang utak ko. Here’s what I realized…

You cannot judge a person by what you see on their social media accounts. Some people highlight the positive, others dwell too much on the negative, while may iba naman who are trying to project a certain image na sobrang ibang iba sa kung sino talaga sila. That’s the point of posting, right? Bakit ka nga naman magpopost ng ayaw mo ipakita o ipaalam sa mga tao?

I have nothing against using social networking sites. Ayoko naman magpakaipokrita dahil ako mismo I’m fond of using it. All I want to say I guess is that what we see and what we read online, wala pa yan sa kalahati ng totoong nangyayari dahil yung totoong ikaw, yung tunay na buhay ng mga kaibigan at artistang nakikita mo sa FB at IG… it can never be captured in a selfie, a panoramic photo or a 15-sec video that you can post on Instagram. You cannot even gather the precise words to put the exact emotions you feel sa bawat moment ng buhay mo kahit dagdagan mo pa yan ng sticker at emoji.

Wag mo kainggitan yung mga taong akala mo may “perfect” na buhay because behind the façade, baka magulat ka na mas masaya ka pa pala sakanila. I’m not saying na kaplastikan ang mga posts na kadalasan nating nakikita online. Perhaps what I want to imply is that it’s okay to admire people based on what they show you but you have to stop downplaying yours just because you feel that your life is less fab than those around you.

APPRECIATION.

Appreciate what you have. Appreciate what God has blessed you with. Appreciate the people who genuinely care about you. Appreciate YOUR life.

Masarap makitingin at makibasa sa kwento ng iba because sometimes it allows you to fantasize about the things that you don’t have pero hindi ba mas masaya kung babasahin mo yung sarili mong kwento? That you get to lavish on its own color brought about your unique experiences na hinding hindi mararanasan ng iba? That you get to edit and revise those parts na gusto mong iimprove because that’s what life is all about… learning and changing.

Yung buhay mo, higit sa FB at IG, yan ang totoong kwento mo. Makulay at maganda kahit walang filter. Stop looking for validation dahil hindi basehan ng pagkatao ang dami ng likes at followers. Alalahanin mo na kung meron man dapat maunang maglike sa buhay mo, ikaw yun. ;)



Carpe diem!

--

Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy

No comments:

Post a Comment