Title palang aray na diba? Hmm. I heard
a story of someone I know na medyo konek sa topic na ‘to so naisip ko na ding
i-blog. Mahirap kimkimin. Haha!
If you ask me bakit may mga taong
pa-fall, dalawang rason lang naiisip ko...
1. Ego boost
2. Ego boost
O sige… lagyan pa natin ng pangatlo…
3. Ego boost
Yun lang yun.
I don’t mean to offend anyone. Sorry sa
mga matatamaan. This is just my take. Disclaimer lang, opinyon ko lang ‘to.
Peace tayo!
Going back… ang pagiging pa-fall ay
hindi lang naman sa lalaki dahil may mga kilala din akong mga babae na paasa.
Both for men and women… yun bang sweet-sweetan, caring daw at thoughtful,
minsan bumoborder na sa pagiging clingy at flirty pero once makaramdam na
nahuhulog na yung isa, biglang kabig. Bakit nga ba ganun sila? Simple lang
naman. They love the attention. They get something from it that perhaps fill a
certain void na hindi nila makuha elsewhere. Ang sarap nga naman kasi talaga ng
pakiramdam pag may nagbibigay ng atensyon sayo. Eh ang kaso, yun lang naman
talaga habol… atensyon. So when they feel na medyo nagiging seryoso na, biglang
back off kasi alam nila na hindi nila yun mapapanindigan.
“Wag magseryoso sa taong nakikipaglaro
at wag makipaglaro sa taong nagseseryoso.”
Sa mga pa-victim…
Kung first time mo maka-experience, o
ayan na teh. Learn from it. Sa susunod, mag-iingat na. Hindi dahil sweet, hindi
dahil “parang” gusto ka, ibig sabihin bibigay ka na. Ang tao pag talagang gusto
ka at talagang mahal ka, hindi paglalaruan ang isip at puso mo. Kung gusto ka,
paninindigan ka. Hindi ka gagawing manghuhula at mas lalong hindi parang
makikipagsayaw sayo ng cha-cha, urong sulong. Matuto ka bumasa ng kilos dahil
ang sincerity mahirap i-fake. Tigilan yang “benefit of the doubt” at “baka
naman…” A person may truly care for you gaya ng pinapakita ng pa-yummy mong
ka-thing pero alamin mo din kung ano ba talaga gusto mo. If you want a decent
relationship, stop participating in whatever game he/she is playing kasi
hanggat alam niyang kayang kaya ka niyang hilahin pabalik, you’ll just fall in
a vicious cycle. Kung minsan ka ng iniwan sa ere, stop hoping na mababago pa
yun kasi sa totoo lang, yang thought na yan, diyan nadadale ang mga taong
pinapaasa lang sa wala. Wag ka mag-aksaya ng oras at feelings. Kung ano ang
outcome noon, trust me, ganun pa rin yan ngayon.
Sa mga pa-fall…
Ang pag-ibig ay hindi isang sport na
pag gusto mong gumaling, hahanap ka ng kalarong mapagpapraktisan. Kung ayaw mo
ng seryosohan, siguraduhin mong pareho kayo bago ka makipaglandian. Puso yan
friend! Masaya lang yan sa umpisa pero pag nakakasakit ka na, kabahan ka sa
karma. ;)
Carpe diem!
Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy
No comments:
Post a Comment