Hindi ko alam kung papaano ako magsisimulang magpaalam sayo
kasi sa totoo lang, ayoko. Alam mong hindi ako sobrang iyaking tao pero hindi
ko akalain na of all people, ikaw pa makakapagpaiyak sakin ng ganito. Ayoko ng
ikwento kung papano tayo unang nagkakilala o kung papano tayo nung huli tayong
nagkita kasi ang sakit sakit na ng ulo ko kakaiyak. Sa haba at lalim ng
pinagsamahan natin baka makatapos ako ng isang libro kaka-enumerate ng memories
ko kasama ka.
Lahat ng kaibigan ko kilala ka kasi kahit sa getting to know
stage pa lang sa lahat ng nakakasalamuha ko, nababanggit na kita. Ganun ka
kahalaga sakin, bes. Parang kalahati ko yung nawala. Paulit ulit kong
tinatanong sa sarili ko kahapon, papano na si Jane kung walang Alvi? You left
such a big hole in my heart. Kahit pagsama-samahin lahat ng heartaches ko sa
buhay mula ng pinanganak ako, by far, losing you is the most painful. Though we
had our mini-fights and silent treatments, kahit paulit ulit pa bes, basta pag
tatawag ako sayo para makipagbati, alam kong nandyan ka, may magrereply. Ngayon
wala ng sasagot sakin. Wala na kong aabangan na magtetext ng “Bes?”
I may know a lot of people and I’ll probably meet more, but
no one can ever replace you because what we had was different. It was unique,
it was pure. You are the only person who know me too well dahil ikaw lang ang
nag-iisang taong dumaan sa buhay ko na naencompass lahat ng klase ng relasyon
sa akin. You were once a stranger who became my classmate, my friend, my first
love and first boyfriend, my dancemate, my bestfriend, my brother, and my dream
partner. Naalala mo nung high school tayo may sinulatan tayong 20-peso bill,
binayad natin sa canteen at sabi mo “pag ito bumalik sa isa satin, ibig sabihin
tayo talaga”. True enough, nung college na tayo bumalik yung 20-peso bill nung
sinukli sayo sa MRT. From then on, we just knew that we have a different kind
of connection, we were soulmates. Sabi mo nga “not meant for each other but
meant to be together… as friends”.
Maraming salamat sa halos dalawampung taon ng pagkakaibigan,
bes. Thank you for being the amazing person that you are and for spending
enough time with me in your lifetime. I don’t know if I will ever get over this
grief dahil sigurado ako na tuwing maaalala kita, malulungkot ako kasi mamimiss
kita. Yung tawa mo, yung mga corny mong jokes, yung pangungulit mo pag
nahahyper ka, yung pananahimik mo pag nag-iisip ka, yung gigil mo sa pagkanta
kahit nasisintunado ka, yung mga reklamo mo pag ang init init, yung hilig mo sa
pagkain, yung pagyayaya mo manood ng movie kasama si Mike pag wala tayo
pareparehong magawa, lahat bes. I learned so much from you when you were still
with us at ngayong umalis ka, may natututunan pa rin ako. Thank you for
teaching me to stay true to myself and for making me realize how short our life
is. Na lahat ng pinagkekwentuhan natin noon na gusto nating gawin, simulan ko
na kasi hindi natin alam kung ano mangyayari bukas.
I never imagined myself in my old age not having you around,
bes. Sabi ko pa nga dati diba, sana tabi tabi tayo ng bahay nila Mike pag
matatanda na tayo. Maghihiraman ng toyo. Maghihingian ng suka. I never really
cared if in time mabibilang ko nalang sa daliri ko kung ilan ang mga kaibigan
ko just as long as you’re one of them. Pero pangako ko sayo, in all my highs
and lows, magiging bahagi ka pa rin nun. Yung kwentong sinulat mo na sabi mo
hindi mo matapos tapos, hahanapin ko bes and I will make a masterpiece out of
it. I promise you, I will pursue all my dreams, lahat ng sabi mo sakin na
naniniwala kang mapagtatagumpayan ko, I will do all of it in honor of you.
I may have not been there but I take consolation on the fact
that you were with your family and the love of your life during your last
moments. Everyone who you left behind especially those who are closest to your
heart, we will stay strong bes because I know that this is what you want, for
us to heal together. I will talk to you everyday, Alvi, and I will write you as
many letters as I can for the rest of my life. One day, when we meet again,
payakap ha? Hindi ko kasi nagawa yun nung huli tayong nagkita. We supported
each other sa lahat ng bagay, at ngayon, for the last time, kahit ayaw kong
iwan mo kami, alam kong diyan ka makakahanap ng kapayapaan. Pakibulong na lang
sa Kanya na maraming maraming salamat dahil pinahiram ka Niya sa amin. Pahinga
ka na, bes.
PS: Theme song natin nung elementary (na tawang tawa tayo
pag pinaguusapan natin)… Ikaw pa rin ang maaalala ko tuwing maririnig ko yung
“It Might Be You”.
Mahal na mahal kita, bes. Goodbye, my dear friend.
condolence ate jane
ReplyDelete