Saturday, May 7, 2016
Movie Review: This Time
A few readers of mine who are devoted JaDine fans asked me to write a review about James Reid and Nadine Lustre's new film entitled "This Time". I watched the movie and here's what I can say about it... pero teka, disclaimer muna. Ayoko pong ma-bash. Haha! Ito ay pawang opinyon ko lamang. It's up for you guys how you'll take it. I know how passionate some fans can be but I hope wala namang violent reaction. Hehe!
So, here it goes...
Cinematography, film editing, musical scoring... ANG GANDA. Lalo na yung mga eksena nila sa Japan. Hinintay ko matapos yung credits. Kudos to Viva for employing Japanese experts to join their prod team lalo na dun sa mga eksena nila sa Japan. Napakaswabe ng mga shots. I have watched all their movies, kung sa teknikal lang this is by far the best. In terms of story, it was very light. Ok yung script. Maganda yung batuhan ng linya. Swak, hindi pilit. Winner yung supporting cast especially Candy Pangilinan. I love that part yung sa "special friend, special room, special pathway, special mention, etc" This is the funniest she has ever been in a movie. Galing ng comic timing and bitaw ng linya. James is a bit bulol pa din, fits the character though since si Coby naman hindi naglalagi sa Pilipinas. He's such a debonair. Sa lahat ng movies niya, dito siya pinakagwapo. Nadine, as always, is very simple. Acting-wise, simple din. Walang eksenang grand so hindi niya nashowcase yung skills niya sa drama which is appropriate naman din for the story kasi wala namang bigat yung kwento talaga. Believable siya as a fine arts student. Bagay sa kanya mga ganung roles na medyo artsy. Yung kwento, medyo mababaw yung gay friend na pinagselosan angle. I wish the writer could have played more sa arc nung long distance. I think mas relatable yun. Overall, I still think that Diary Ng Panget is the most entertaining and most kilig but This Time is a good film para matanggal yung Clark-Leah character nila sa kanila. And sa teknikal, ito yung the best. Thumbs up. Worth watching. Kumbaga kung hindi ako fan at first time ko manonood ng JaDine movie, worth the time and money. Saktong pampa GV. I love the ending scene, by the way. That's their most kilig scene for me kasi it looked candid and real. :)
Naisip ko lang as alternative ending... (Disclaimer: Ito ay pawang opinyon ko lamang. Naglaro ang isip ko, naglakbay, napatanong ng "what if". Wala sanang maoffend.)
After nila sa Japan sana dun na sila pinaghiwalay. Na mas pinili nila not to pursue the relationship kasi dun mafifeel yung agony eh. Dun magkakaron ng bigat. Yung feeling na mahal mo pero di pwede maging kayo. Gustong gusto mo pero ang layo layo niyo. Walang problema sa feelings niyo pero yung problema external. Yung circumstance. Dun mas mararamdaman ng tao yung kwento. Kaya nga sabi ko earlier they could have played more sa angle na yun. Wala na yung sa gay friend. Mas marami maeexplore dun eh. Sana nilagyan ng konting weight. Kunwari yung final exhibit say after a year or so siya nangyari, ininvite ni Ava si Coby pero hindi nagreply so she assumed na baka nakalimutan na siya, na nagpalit na ng number, na wala na talaga. Then sa exhibit, kung kailan wala ng tao, pasara na, maiiwan si Ava, meron isang masterpiece dun, kunwari yung ginawa niya sa Japan nung huling beses sila nagsama, inspired by their love story, just when the lights are about to be turned off may hahawak sa kamay niya or may tatabi sa kanya. Magsasabi lang ng one liner na may significance sa kanilang dalawa. Yung boses, yung feeling na parang tatalon yung puso mo, lalabas sa dibdib mo, the first glance after a long time of not seeing each other... iba. Something like that (or maybe a scene less cheesy than this, basta parang ganyan. Haha!). Simple ending pero may impact. Kumbaga nagkaron ng time and space for longing. Na dun nila marerealize na despite the time and the distance sila pa rin talaga. Sabi nila dun sa Japan "the universe conspired for us to be together". How about kung yung ending hindi na yung universe ang nagconspire, how about kung "this time" it was already their choice to be together, hindi na tinadhana kundi pinili na nila. :)
Carpe diem!
Facebook: www.facebook.com/abciddy
Twitter: @abciddy
Instagram: abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy
smile emoticon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hi miss A thank you so much. Its an epic review well thought well reviewed basta thankyou
ReplyDelete-leah G.