Saturday, October 25, 2014

When Singlehood Became An Unexpected Bliss

Photo from www.favim.com


Just thoughts I had this morning after speaking with a friend. Kinumusta buhay ko, work, lovelife, the usual. During our talk, I realized na oo nga no. I haven't dated for a long time. Not because I'm not interested or anything close to that. If it wasn't for that conversation, hindi ko pa maiisip. Somehow it felt like it didn't matter. I would admit at first it did. For a person like me who had been in long term relationships, spending time on my own was something new and this is surprisingly the longest that I've been single.

Not that I'm glorifying it or justifying not being in a relationship, and don't get me wrong, I don't hate the thought of having a partner, at sa mga nagtanong in the past kung takot na ba ko magmahal ulit the answer is "NO". In fact, gustong gusto ko pa magmahal ulit. Sino ba'ng may ayaw? I think people are born with it, yung need to be loved and eventually find someone they can share their life with. But I guess that's the thing about me, and maybe with other people too na kagaya ko. As much as I want to find love again, this is a newfound bliss. This has nothing to do with my past and with getting my heart broken or the thought that I fear being torn into pieces again because I already made peace with that a long time ago. I carry no regrets, guilt, not even hate towards my exes. When you have peace in your heart you just forgive everyone including yourself and it happens naturally, with little to no effort. It just happens.

To be honest, I’m in love right now. I’m in love with the life I was able to build for myself. Sure I have my moments that I wish there’s someone I can share this with but during these moments, I find myself praying and in His subtle ways, God speaks to my heart and I listen as He tells me that the best is yet to come. That He will blow me out of my mind one day as He gives me the sweetest surprise. That He will let me and my future love find each other in the most unconventional way but will leave both of us breathless as we realize that it was Him who designed the whole thing. This could happen, or maybe not, but for some reason, I trust Him.

I know myself now. I know what I want and on my way to pursuing all of it, the feeling is incredible. You know that feeling when you first realize that you are falling in love? Yung high? Yung para kang lutang na hindi mo maintindihan? That’s how I feel right now. Only that it is not for a person but for the life I have right now, the people I was able to keep, those who happily stayed with me, the unbelievable appreciation I have in pursuing my dreams, the sense of fulfillment when people come up to me or send me a message about how I inspire them and lifts them up somehow. What more can I ask? As my friend said: Siksik na kasi yung puso mo sa pagmamahal sa lahat ng nakapaligid sayo at sa lahat ng meron sa buhay mo, di mo na maisingit maghanap pa ng lovelife.

To you my future love, one day when you find me, I want myself to be this way. I have an amazingly full heart right now. A heart that can give you more than you can ever expect and more than I thought I could ever give. One day mababasa mo ‘to and when that day comes… I’ll smile, give you a gentle peck on the cheek and whisper… “3rd paragraph… that’s you.”

I may have not searched for you but I know in my heart na ibibigay ka Niya and when that day comes, baka makalimutan ko na naghintay ako because this time, with God's cue, I'm sure it's for keeps. :)

Carpe diem!


Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy




Friday, October 24, 2014

#100HappyDays Behind-the-Story




I have already announced a few weeks ago that I will be writing a Project Ex spin-off. Truth be told, hindi dapat yung #100HappyDays yun because Project Why palang ang sinusulat ko, may draft na yung #100HappyDays. As if it was destined to happen, nakakatuwa na swak naman yung kwento kay Caloy at dahil gusto kong masurpresa ang mga magbabasa, I added a few twist.

The teasers that I have posted on Instagram, malayong malayo pa yun sa totoong kwento ng #100HappyDays. I have thought about the plot nung one time na nagbabrowse ako sa Instagram. Madalas ko makita yang 100 happy days challenge and it got me a bit curious. Ano nga bang meron dun?  After Project Why, yun na supposedly ang susunod kong ipupublish sa Wattpad instead of Project Z but I’m glad that I changed my mind because as time passed by, mas naging meaningful yung pagsusulat ko ng kwento ni Caloy.

This story is dedicated to my brother and the girl he’s looking for. So kay “boba_panget_pulubi”, my brother is in search of you so kung sa anong paraan man na makarating ‘to sayo, please contact me. You guys may have chatted so many years ago pa but yeah, he’s actively looking for you now. :)

Anong dapat abangan…

This is not just a typical love story of a boy who meets a girl and falls in love with her. Mahirap pantayan ang ZanJill love story but I believe in the plot of #100HappyDays so umaasa ako na mamahalin din sina Caloy at Bobbie ng mga readers. Just like in Project Ex, this will be a rollercoaster of emotions again and I will try my best to offer something different and something new. I’m not sure if this will be as memorable as Project Ex series but I’m keeping my fingers crossed, sana magustuhan niyo rin. :)

Pwede nga bang magsimula at matapos ang isang epic love story sa loob ng 100 days? Chatmate na soulmate? Kengkoy na happy-go-lucky meets come-what-may na di naniniwala sa destiny.

“Mukha lang akong di seryoso, pero pag dating sayo lahat ng lumalabas sa bibig ko totoo.” – Caloy

“Pag nalaman mo lahat ng tungkol sakin mahalin mo pa kaya ako?” – Bobbie

Abangan ang twist sa dulo :)

#100HappyDays coming this November.


Carpe diem!

Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy

Sunday, October 5, 2014

Who Most Readers Imagine As ZanJill, Teasers On Project Z Ending, and What's Next For Abciddy

Credits to the photo owner

I believe that most of the readers of Project Ex Series are JaDine fans. Hindi ko na matrace how it happened but according to some comments, a few JaDine fans came across my story and had it promoted dahil naiimagine daw nila ang JaDine sa kwento nina Zander at Jill. Unang una, maraming salamat sa inyong lahat. Hindi man ako nag-iipon o nagpaparami ng reads sa Wattpad nagulat ako na lumobo ng ganun yung viewcount at nung umpisa nagtataka ako hanggang eventually narealize ko na iba ata talaga ang impluwensiya ng mga fans nina James Reid at Nadine Lustre. To be honest, I wrote Project Ex with no one in mind in particular. Kung ano yung description nina Zander at Jill, ganun ko lang talaga sila naimagine sa isip ko. I have been seeing a lot of JaDine on television lately and yes, I would admit, I said to myself at one point na “Oo nga noh, bagay nga sakanila”.

Project Z have two more chapters left. Hindi ko pa maannounce when I will be uploading it kasi ayoko madaliin yung pagkakasulat. I’m very meticulous on the details lalong lalo pa na ito na yung huling part ng story. The sequence of events and the ending is already drafted but I’m really careful with the narration para mas maexperience pa ng mga readers yung kwento. Naging si Paolo nga ba at Jill nung panahong wala si Zander? Si Ira na nga kaya ang bagong gf ni Zander? Kung oo, papano nangyari yun? Saan nagpunta si Zander? Bakit siya umalis ng walang paalam? Mahal pa ba niya si Jill? Magkakabalikan pa ba sila or will they move on with their lives separately? I know you guys have a lot of questions and promise, lahat yan masasagot na sa natitirang chapters ng Project Z.

What’s next… I’m not really sure if Project Ex Series will be published. Hindi ko pa po yan masasagot pero hindi ko din ikakaila na gusto ko siyang mangyari dahil lahat naman ata ng manunulat pinangarap na maipublish yung gawa nila. Pero mangyari man yun o hindi, I’m happy na nakapagpakilig at nakapagpasaya ako kahit papano through my writing. If Godwilling maisapelikula man ito, dahil kayo ang unang mga naniwala sa potensyal ng kwento ko, kung mangyayari man yun una sa listahan ko ang request ninyong lahat – JaDine. Pero sa ngayon ipagdadasal muna natin yan. Kung hindi man mangyari, at least sa kaisipan niyo sila ang gumanap. Sabi nga ng karamihan sa inyo… JaDine Feels :)

Maraming salamat sa lahat ng mga nagbasa at magbabasa palang ng Project Ex Series. Thank you din po sa lahat ng magagandang comments at sa mga nagpupush talaga na maging movie ito o TV series. Nababasa ko lahat ng comments at tags niyo. One time nakarating pa ko sa account ng Viva dahil sa mga nagmemention sakin sa comment page nila. As what I have said in the past, you guys inspire me to write better stories. Sana kahit matapos na ang Project Z wag niyo makalimutan sina Zander, Jill, Paolo, Mitch, Rocky at Caloy, isama niyo pa si Yaya Fanny at mga magulang ng BruNgas couple. My 4th book is already on the works. Sana suportahan niyo rin ang mga susunod ko pang magagawa.

God bless you guys! :)

Carpe diem!

Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy

Project Ex Series - Behind The Story


Marami ng nagtanong how I came up with the plot at hindi ko masagot yun sa maiiksing pangungausap kaya iba-blog ko nalang. :)

April 2014. I was not in search of a story to write kasi nung araw na naisip ko yung kwento ng Project Ex, tambak ang trabaho ko nun. I guess my mind just loves to wander kaya nung araw na yun, while taking a bath bigla ko lang naisip yung benefits ng Internet at social media. Pero kung may advantage siyempre meron ding disadvantage. What if a person uses it to hurt someone else? Or gamitin siya para gumanti sa isang tao na nanakit sakanya? Hence, Girl X was born.

Wala akong specific plot. Kung ano yung nakasulat sa Prologue ng Project Ex, yun lang ang unang nasa isip ko. The rest of the story just flowed while I was writing it. Girl X was supposed to be Jill. Siya talaga ang una kong naisip but while writing, naiba bigla yung plot. Si Jill dapat sana yun because she wanted to get back at Zander dahil isa yung pinsan niya sa mga ex ni Z. Another was that originally boyfriend ni Mitch si Paolo but I felt the need to change that because I want to give Jill and Paolo an angle. Truth is si Girl X talaga ang bida sa Project Ex. Sakanya nagsimula ang kwento, Project Ex revolved around the mission to find her and siya ang naging bridge kung papano nahanap ni Zander at Jill ang isa’t isa. If Girl X is Jill, in real life it would be hard for Zander to trust her again so I had to create another twist in the story at para hindi masyadong predictable, binago ko.

Project Ex was not supposed to be followed by a sequel. Dapat talaga natapos na yung story sa footbridge. I wanted the readers to create their own continuation nalang sana but the request for a sequel was nonstop so I made a deal with myself. Na kapag nakaisip ako ng magandang plot for part 2, sige gagawa ako. True enough, a week after I uploaded the last chapter of Project Ex, habang naliligo nanaman ako (hindi ko rin alam kung anong meron sa pagligo) I have thought about a promising story kaya nagkaron ng Project Why. Dalawang araw ang inabot ko sa pagiisip ng title because I couldn’t find any title that would match the story and yung medyo may impact ng konti just like Project Ex. I spoke to a friend and she made a joke na Project Y nalang daw but I rejected it at first dahil sabi ko, walang relevance sa kwento until nung nadraft ko yung story, that’s when it made sense… Project Why.

In Project Why, originally si Paolo dapat si Mysterious Letter Sender. But then I was thinking about the message that I will be sending kung yun ang magiging ending. Paolo is a loyal friend and if anything, men create an amazingly strong bond when it comes to friendship. “Bros before hoes” nga sabi nila. Kahit gaano kagago ang isang lalaki, when it comes to their friends, they’re different. Although it happens naman talaga in real life na two guys who are bestfriends would like the same girl, I didn’t want that in the story because not only do I want to share my perspective about true love, I also want to show the readers the value of loyalty and friendship. Same goes with Ira na girl bestfriend ni Zander. I want to show na hindi lahat ng magkaibigang babae at lalaki may “something”. That two people, regardless of their gender, could be friends, as in platonic. It could grow into something more, yes. But when at that moment they say na they are just friends, it’s possible that that’s how they really see each other. No self-denial or whatever.

Again, sabi ko last na ang Project Why. The two stories are already okay for me sa totoo lang. I was happy with the ending. Kung hindi ko na siya dugtungan, ok na ok na siya. But then nafeel ko at some point na parang kulang. Project Ex, Why… asan na yung Z? Feeling ko it was meant to be a trilogy kasi coincidentally, Z ang nickname ni Zander. So yung part 3, hindi na ko nahirapan isipin yung kwento only that I had to think of a type of narration na mapapalabas ko how the characters matured and how their story will be different from Project Ex. The progression of the story from the first book to the second book, I really tried my best na hindi magkaroon ng stagnancy sa mga characters because in real life, people do change. Yung pagpapalabas nun sa kwento yung isa sa pinakamahirap.

In Project Z, I wanted to make everything more intense. More intense yung kilig, more intense yung confrontation, more intense yung mga linyang bibitawan because in Project Z, I want to show the readers yung nature ng relationship ng main characters. Na it is “young love” but it is real, it is true and could possibly be their “great love”. I wanted to cater to all types of audience, yung mga hindi pa nainlove, yung mga nainlove na , nasaktan, naiwanan, mga nagsisimula palang maintindihan ang salitang “love”, those who doesn’t believe in it, those who have lost faith in it, lahat. So if you will really observe the development of the story, lahat yan lumabas sa mga characters hindi lang kay Jill at Zander. I also touched the role of family when you’re in a relationship at hindi ko ginawang kumplikado yung part na yun kasi sa totoo lang, ang pamilya pag nakikitang nakakabuti ang dalawang tao sa isa’t isa, bakit pipigilan? At sa totoong buhay, hindi lahat ng mayaman gusto sing yaman din nila ang makakatuluyan ng anak nila. OA lang ang mga soap opera ;)

Now yung part na marami ang nagreact, yung breakup scene. Ang tagal ko pinag-isipan yung part na yun because I want their breakup to be as passionate as the love that they have for each other. Same level of intensity. I don’t want a common reason na third party kasi sa totoong buhay, hindi lang naman third party ang pwedeng maging rason ng paghihiwalay. So I thought of a conflict na not too common on written stories but still relatable. I wasn’t happy that I broke many hearts on Chapter 7 but I don’t regret it because as much as it was intense and painful to read, I will stay true to my promise that I will give Zander and Jill the ending that they deserve.

As to how I have written it, yes may mga inspiration. I am all the characters in the story. Don’t freak out though. Haha! I’m not crazy. A part of me is Jill, Zander, Paolo, Mitch, Rocky, Caloy and even the minor characters sa kwento. Some of the scenes happened in real life sa akin at sa mga taong malalapit sakin. When I write, para akong nanonood ng pelikula sa isip ko at kung ano yung naiimagine ko, eksaktong yun din ang sinusulat ko kaya specific ako minsan sa date, sa mga suot nila, sa expression ng mukha at pati sa maliliit nilang galaw. The coffee shop is real. Dun ako nakatambay lagi. In fact, I brought a few friends of mine sa coffee shop na yun at tinuro ko yung mga area kung saan ko naimagine na ginaganap yung mga eksena sa libro lalong lalo na yung Spiderman scene sa Project Ex. Malapit sa coffee shop na yun may footbridge talaga at may fast food chain. Chinchin is real as well. The marshmallow and ice cream as comfort food, totoo din siya. I know two people in real life na marshmallow at ice cream ang comfort food nila. 

Sana nasagot ko yung mga tanong ng mga nagmemessage sakin about Project Ex Series. Next blog, I’ll talk about what’s next and about the JaDine/ZanJill craze. 

Carpe diem!

Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy


Who Is ABCIDDY



I have been asked by many kung papano nagsimula ang Project Ex. Sino ba naging inspirasyon ko? Totoo nga bang may Zander at Jill? Sino ba si Abciddy at saan siya nagsimula?

Before I proceed with the last two chapters of Project Z, dahil marami ang interesado malaman yung totoong kwento sa likod ng librong sinulat ko, I’ll tell you a few things about me, Project Ex and the characters in the story.

First, sino nga ba si Abciddy? Abciddy is my pseudonym or penname. It was derived from the letters ABCD but I tweaked it a bit kaya naging Abciddy (pronounced as Absidi). It represents my love for letters, words, sentences, paragraphs, chapters, and books. Why am I hiding behind an alias? Marami na nagtatanong kung bakit hindi ko nalang gamitin totoong pangalan ko, the real reason is that I want the readers to focus on the stories that I write. I’m not really after the praise and adulation. Wala sa misyon ko ng pagsusulat ang magpasikat dahil ang gusto kong maging sentro ng lahat ay yung mga kwentong binubuhay ko mula sa imahinasyon ko. I want people to talk about the story and the characters, not me. Maybe one day my face would appear somewhere, na baka malaman din eventually kung sino talaga ako, pero sa ngayon, masaya na ako na maraming nakakarelate at somehow natututo sa mga sinusulat ko.

I have been a writer for so many years but I did it as a job. Grade 4 palang ako pangarap ko ng makasulat ng isang kwento. Sa edad kong yun nakakatawa na ang topic ko lagi sa mga sinusulat ko ay tungkol sa pag-ibig. Oo nga naman, ano nga bang alam ko sa “love”? The first ever story I wrote, sinulat ko sa apat na ¼ sheet na papel. Ganun ka-iksi pero may simula at ending. I can’t exactly remember the story at hindi ko siya naitabi dahil napulot siya ng nanay ko at itinapon. Napagalitan ako dahil sabi niya bata pa daw ako at hindi ako dapat nagsusulat ng mga ganun. But that was then, ngayon supportive naman na magulang ko sa mga bisyo ko sa buhay at isa na dun ang magsulat ng magsulat ng magsulat. I didn’t stop writing. I remember I was able to write 5 or 6 more stories and my first readers were my classmates nung elementary pa ko. I’m not sure if they remember it the same way I do pero ako hindi ko nakalimutan kasi whenever I look back, I am reminded that this is what I am really born to do.

High school and college came at nahinto ako sa pagsusulat dahil nalinya ako sa ibang bagay but never was there a time na nakalimutan ko yung pangarap ko na makatapos ng libro. The course I took in college is surprisingly not related to creative writing. Akala ko nung umpisa hobby lang ‘to but as time passed, even after college, ang pagsusulat ang nag-iisang bagay na binabalik-balikan ko. I have tried different jobs, managed a few businesses pero dito ako bumabalik. Finally, I embraced my calling but it was not an easy path because I had to give up comfort and a lot more things na kinalakihan ko’t nakasanayan. It became my bread and butter pero ako na ang unang magsasabi sa inyo that writing is not as profitable compared to regular office jobs especially when you do it freelance. But that’s only the part that pays all the bills.

It was only recently that I took a shot in writing a full story kaya nagkaron ng Project Ex. I’ll tell you how the idea came up on my next blog. Anyway, right now I struggle between life and work pero ang pagsusulat ko ng mga kwento ang nagbabalanse ng lahat. Kung meron man akong mababahaging payo to all young writers na makakabasa nito, ito lang… DO WHAT YOU LOVE AND LOVE WHAT YOU DO. Cliché man pero totoo. Ang pagmamahal ko sa pagsusulat ay sing tindi ng pagmamahal ni Zander kay Jill at sing tibay ng paniniwala ni Jill na si Zander lang ang para sakanya :p If God blessed you with that much passion in writing or in something else, honor Him by using it. Write because you want to share your story. Write because you want to get your word out. Write because you want to share your world to other people. Give them hope about life and love. Write about its magic, write about what’s real, write about what others think is impossible. Hindi mo kailangan maging magaling kasi minsan ang sobrang pagnanais na maging magaling nauuwi sa pakikipagkumpetensiya sa iba. All you need is to feed your passion to write and inspire other people and trust me, you’re good to go. J

Carpe diem!

Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy



Tuesday, September 2, 2014

The Love You Deserve

Photo from tamunatko.blogspot.com

“Bakit ba ang choosy mo?”

I was talking to a friend yesterday and she suddenly blurted this out. Hindi ko alam kung may tamang sagot sa tanong na ‘to pero hindi ko kayang ipaliwanag lahat ng tumatakbo sa isip ko sa isa o dalawang sentences lang. I decided to write about it dahil hindi ako pinatulog nito kagabi. I never asked myself this question before but last night I thought about it long and hard.

The thing about people who have loved and learned is that they begin to embrace the whole concept of “knowing what you want”. And I guess that’s just it. I’m not being “choosy” out of pride. People may say “Screw standards, you like who you like”. Ganun din ako mag-isip noon. Sa mga pinagdaanan ko, I tried my best to analyze if I had a pattern. Kung saan ako nagkamali and what’s my share in the demise of my relationships. You don’t just lose people along the way and learn nothing. This is my perspective. I’m not claiming to know everything about love and relationships but in case may maka-relate, you’re not alone.

Let me share what I learned…

Before you get yourself involved with someone, ask yourself: Why do you want to be in a relationship? Is it because you want to feel special? Is it because you don’t want to be alone? Is it because lahat ng kaibigan mo in a relationship at gusto mo makiuso? Are you aiming for “forever” (if there’s even such thing) o gusto mo lang ng ka-MOMOL? Walang masama sa kahit na ano diyan basta alam mo kung ano ang hinahanap mo. And this is why I am choosy.

I want someone who is self-assured. A person who can live without me but still chooses to be with me. I want to be with you if you are someone who wants my company not out of an emotional need or a void that I may or may not fill but because my presence lights a spark in your soul. A person who I will take care of because I want to, not because I know you’ll fall apart if I don’t. Someone who will inspire me to be better not because I want to be the kind of person who can give all your needs but because someone as amazing as you deserves it. And sadly, I find people like this so rare nowadays. And this is why I am choosy.

I want to share a relationship with someone who I can grow with. We can be different in so many things but as long as we share the desire to be together and fight hell hard to protect what we have, I’ll stand by you no matter what. I don’t give in to momentary chills and occasional “kilig” not because I’m hard to please but because I know who I am and what I can give when I offer my heart to someone. All I want is a person who will say “I love you” and truly mean it. And this is why I am choosy.

My heart is so strong that it was able to glue itself together after being smashed into pieces by people in my past. Now it is almost brand new and I will give it to you because you know you have the power to break it again but will never do so because for once, a person like you will recognize that a heart that I fought so hard to keep pure deserves to be protected by a love like yours. And this is why I am choosy.

Working out a relationship with someone, I believe, is not rocket science. It takes two people who want the same things. I am not a square who will soften my edges just to fit in a round hole. I used to think na pag mahal mo ang isang tao lahat ng klase ng adjustment gagawin mo but I eventually realized that the person you are with is not a mold to where you should shape yourself. The two of you must melt together and create a pattern unknown to others… something unique, something only the two of you understands, something beautiful, something that can only be built by LOVE. And for me it’s either this, or none at all.

Carpe diem!



Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy

When Do You Let Go?

Photo from thesusanblog.com

I’ve been busy the past few weeks both with work and on this book I’ve been writing. Iwas burnout muna so yes… I have to be in trance tonight and leave my toxic world for a few hours. Ergo, magsusulat ako.

I read a post somewhere one time. I can’t remember when exactly pero medyo matagal na. Thought-provoking, matagal ko na gusto i-tackle yung topic pero ngayon lang ako nagka-oras talaga. As stated on the post…

Kailan mo malalaman kung dapat ka na mag-let go sa relationship?

I wish I could talk to the one who posted it so I could have a clear view of the situation but since I have no idea what the whole story is, in general ko nalang ididiscuss. I’m no expert, so whatever it is na mababasa niyo, sakin lang ‘to. Disclaimer lang :)

Going back to the topic…

Kung ako lang… maingat ako when I get myself involved in a relationship. I don’t know how it is with other people, but for me, hindi ako nakikipagrelasyon kasi kung kanikanino lang. Oo, siguro nga pwedeng masabi na pihikan ako. Hindi dahil masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko. Mapili ako kasi pag nasa relationship ako, I want it with someone na sigurado akong ipaglalaban ko kahit hanggang saan kami makarating. So kailan ba dapat mag-let go? Depende yan sa sitwasyon and how you look at it. Sakin kasi, I have my non-negotiables. Maghihiwalay lang tayo sa tatlong rason, No 1: you cheat on me, No.2 pag pinaramdam mo sakin na hindi ka na masaya and No.3 ikaw ang makikipagbreak sakin for whatever reason you have. Other than that, I can bear. As long as I can see that the person I am with is doing everything to make the relationship work, hindi ko siya bibitawan. Because when you want someone to stay in your life and if you know that they want you in theirs too, you fight for it. Period. Pero pag hindi mutual ang feeling, kung ako ang bibitawan, ibang usapan na yun.

You fall in love with someone for a reason.  You just don’t fall out ng ganun ganun lang. Na gigising ka isang araw ayaw mo na? Being in a relationship is not easy at hindi yan araw araw sparks and fireworks. Even if you ask people who have been with their partners for years and decades, iisa sasabihin nila sayo. That keeping a relationship is hardwork. Hindi yan tipong araw araw in love ka. Walang ganun. There will be days na nakakapikon siya, na ang sarap niyang kalbuhin, na magagalit ka, mag-aaway kayo, na nakakasawa, na feeling mo ayaw mo na… but that’s the point. FEELING lang yun. Ang tanong… anong gagawin mo sa FEELING na yan? Will you nurture it o lalabanan mo?

I’m not saying that this is how relationships should be kasi kanya kanya naman yan pero para sakin, ang relasyon na nagtatagal, binubuo yan, hindi yan kusang nangyayari. Every waking day that you are in that relationship, you make a decision to be with that person and to love them even during moments that they're the hardest to fall for. I’m not saying na obligasyon yan but that’s what it means when you COMMIT yourself to someone and that is why you really have to choose who you give your heart to. Kasi pag binigay mo na yung puso mo, kasunod na niyan yung isip mo, lahat ng ikaw buong buo. So when you say YES to someone, do everything to protect what you have lalo na kung alam mong worthy yung tao kasi kung lahat ng tao susukuan mo, walang matitira sayo…

The question is not “MAHAL ko pa ba?” kasi araw araw pwede yan magbago.

Ang tanong… “MAMAHALIN ko pa ba?” kasi once pagdesisyunan mong OO ang sagot diyan, walang ng dapat pang pag-usapan.

Carpe diem!


Facebook: www.facebook.com/abciddy
Instagram: abciddy
Twitter: @abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy