Wednesday, June 29, 2016

Ang 3-Month Rule… Bow!



I had a long discussion with a friend about this whole 3-month rule. Funny kasi nagsimula lang sa usapan tungkol kay Taylor Swift at nauwi na sa personal niyang hugot. Haha! Anyway, she told me “Hindi man lang naghintay ng tatlong buwan” and it had me thinking. Sino ba nagpasimuno niyang 3-month rule na yan at anong meron sa tatlong buwan para masabing okay ng makipag-date or to be in a relationship again after that?

The thing is… hindi ko matrace kasi to be honest, I first heard of it sa movie na “One More Chance” at prior to that I didn’t even know that such a rule exist. I’m not sure kung may ibang nakakaalam niyan or baka na-mind condition tayo ni John Lloyd na dapat “Tatlong buwan bago ka makipagrelasyon sa iba. Bakit ba kating kati kang palitan ako?!” (Apologies. Memorize ko na yata mga linya ni Popoy. It just flows. Haha!) :p

Okay, disclaimer muna. Bago may magviolent reaction, ito ay pawang opinyon ko lamang at sarili kong pananaw sa buhay at pag-ibig. Wala akong nais patamaan kaya pasintabi sa mga makakarelate. :)

Hindi ko alam kung natackle ko na ‘to sa iba kong blog but I’ll write about it anyway.  Para sa’kin, walang pinipiling panahon ang pagmomove on. Iba iba kasi ang tao. May iba na mabilis, may iba na mabagal. May iba na akala mo nagka-amnesia after the breakup, may iba naman na nastuck na. Hindi mo pwedeng ikahon ang isang tao na “o dapat after 3 months ka pa magmove on”. I’m not saying that you shouldn’t mourn when a relationship dies. Hello?! Ako pa ba eh alam niyo namang may pagka-hopeless romantic ako. Kung meron mang pinaka-importanteng bagay sa’kin, that would be the relationships that I have (with God, family, friends, jowa, etc). Of course, when you lose someone, it’s normal to grieve, to be sad about it, to take your time to embrace the loss and most importantly, to heal.

Walang specific na oras ang makakapagdikta sa kung ano ang dapat mong maramdaman. Kahit gaano pa kayo katagal, 3 days, 1 week, o umabot man kayo ng 4th monthsary o 2 anniversaries, WALANG KAHIT NA SINO ANG MAY KARAPATAN PARA SABIHIN SAYO NA DAPAT NAKA-MOVE ON KA NA. It could take you a month, 3 months, a year, who the heck cares? Puso mo yan, ikaw lang ang dapat nakakaalam.

If you have an ex na nakamove on agad, may karapatan ka masaktan. Pero ibang usapan yung magagalit ka. Wag na natin isipin kung sino ang nakipaghiwalay kasi sa totoo lang, when two people breakup, it doesn’t really matter who broke up with who. Hindi dahil ikaw ang nakipaghiwalay kailangan antayin mong mauna makamove on yung ex mo para di ka maguilty. Hindi rin dahil ikaw ang hiniwalayan ibig sabihin na magkukumahog kang makahanap ng iba para lang patunayan sa ex mo na nagkamali siya na iniwan ka niya. You move on because that’s the next thing you should do when a relationship ends, not because gusto mong gumanti at saktan yung ex mo. Kasi pag ganyan, rebound naman yan teh!

So again, if you’ll ask me kung okay lang ba sa’kin if ever na may ex ako na nakamove on agad… YES! When two people breakup, kasunod na yun, na one day may mamahalin siyang iba at ikaw ganun din. Nagkataon lang na either ikaw o siya, mas napaaga. Pero ito yun… when that happens, RESPECT should remain. For me, it’s okay if you will be in a relationship right away. Buhay mo yan. Masasaktan ako, pero still, buhay mo yan. At dahil wala na tayo, choice mo na yan kung anong trip mo sa buhay mo. I won’t meddle kasi aside sa wala na ‘kong right, eh dapat lang din naman na wala na ‘kong pake. PERO… kung gusto magmove on agad agad, PLEASE, PLEASE LANG… don’t shove it to your ex’s face. I mean at least be discreet about it in the meantime. Wag naman yung post ng post. It could be an expression of love sa current jowa pero alang alang sa pinagsamahan niyo ng ex mo, hindi naman sa itatago mo pero hayaan mong malaman niya ng kusa. Hindi yung sasadyain mong ipakita sa kanya o malaman ng mga taong malapit sa kanya kasi kahit ano pa yung pinagdaanan niyo, respect your ex. Dun mo malalaman din kasi yung halaga mo sa isang tao. Hindi lang sa mag-ex gf/bf, pati na rin sa ex-friends, or anyone you cut ties with. Pag alam mong wala ng mapapala sayo yung tao, you have no use in his or her life anymore (sorry kung medyo harsh yung term), but still nirerespeto ka at yung mararamdaman mo, ibig sabihin nun kahit wala na kayo sa buhay ng isa’t isa, pinapahalagahan niya yung pinagsamahan niyo. At ako sa totoo lang mataas ang respeto ko sa mga taong ganun mag-isip.

The things I said earlier would only apply kung lumandi lang si ex AFTER niyo magbreak. Ibang usapan ang OVERLAP. Kasi para sa’kin ang OVERLAP ay isang form ng CHEATING and CHEATING will never be acceptable. Ewan ko sa definition ng iba pero para sa’kin, cheating is not just being in a relationship with two people at the same time. Para sa’kin, ang cheating nagsisimula pag nag-entertain ka ng ibang tao when you know that you are in a relationship. Wag tayo magbolahan. Alam natin pag nakikipag-flirt tayo. Alam din natin ang klase ng usapan na walang malisya. So pag nagsisimula ka ng magtago sa karelasyon mo at nakakaramdam ka ng kawalan ng gana sa gf o bf mo dahil diyan sa kinakausap mo, YES, form of cheating na yan. And when you break up with your current partner because of that, OVERLAP NA PO YAN. Wag ka magdahilan na kesyo nawawalan kasi ng panahon sayo jowa mo o na kesyo boring na kasi, wala ng spark, etc. Kung hindi ka nag-entertain ng iba habang kayo pa, hindi mo mararamdaman yan. When you’re committed to someone, act like it. Kung nararamdaman mong you want to flirt back with someone other than your partner, makipaghiwalay ka muna. Hindi yung maniniguro ka kung may pupuntahan kayo bago mo bitawan yung isa. Marami akong kilalang nasira ang relasyon dahil sa ganyan. Tetestingin muna, landi here and there, itatago sa gf/bf, pag sure na siya na sasaluhin siya nung isa saka bibitawan yung jowa. Bad yun. Wag maging unfair. Ang lagay nagmomove on ka na hindi pa man kayo break. Remember that when you start entertaining someone while you are in a relationship, dun pa lang nilamatan mo na yung relasyon niyo. Kung nakakafeel ka ng urge to flirt or date other people, don’t do it behind your partner’s back. Gawain lang yun ng taong single so maybe at the back of your head, gusto mo talaga maging single kasi kung mahal mo talaga yung gf/bf mo, ni sumagi sa isip mo na magentertain ng iba, hindi mo magagawa. So just initiate the breakup then do whatever you want after. ;)

Hindi ko na babalikan yung tungkol kay Taylor Swift. Single siya, single si Calvin Harris, single din si Tom Hiddleston. Single ang ex mo, single ka na din (at please lang make sure na single din yung susunod mong ide-date). Walang masama kung gusto mo na magmahal ulit. Basta wag mo lang kakalimutan, whatever you do days or weeks after your breakup, minsan mo ding minahal yung ex mo kaya remember… RESPETO. :)


Carpe diem!

Facebook: facebook.com/abciddy
Twitter: @abciddy
Instagram: abciddy
Wattpad: wattpad.com/abciddy

Tuesday, May 24, 2016

When You Wait for God's Best

Photo from: pastorboller.com

I woke up today hungry, not for food but for God’s word. I don’t know if you ever felt this way na kahit araw araw ka naman nagdadasal there are days that you just yearn for Him, for His word, for His love. For me, this is one of those days. I searched online for Pastor Erwin Balanay’s series of sermons in Victory Katipunan. Thank you, Lord, for podcasts. I decided to catch up on his preaching before I start working and I think it was the best decision I made today. I thought of sharing my insights just in case this helps kung may pinagdadaanan man kayo.

In Pastor Erwin’s words:
In your life right now, if you are in that point that you don’t know what to do or you are anxious of what’s going to happen next, always remember that GOD MAKES ALL THINGS BEAUTIFUL. Manalo ka man o matalo sa kahit ano pa mang laban, never forget that GOD IS IN CONTROL.

I realized that many times in my life, I always say “Thy will be done” but how much of those words do I really understand? Sinasabi ko lang ba yun kasi dapat? O sinasabi ko yun kasi yun talaga ang pinaniniwalaan ko? There’s this line from Pastor Erwin “kadalasan sinasabi mo lang yan pero aminin mo, uunahan mo pa rin Siya, susundin mo yung sarili mong diskarte kasi feeling mo ang tagal tagal Niya.”

There’s a lot of truth in what he said and I just realized now that letting God be in control doesn’t mean being lazy and doing nothing. It doesn’t even mean that you’re giving up. It only means that you let go of your worries and trust that He will NEVER abandon you and that He will carry you through NO MATTER WHAT. It means asking Him for direction and not second guessing because you have faith na kahit anong mangyari, HINDING HINDI KA NIYA ILALAGLAG. When things fall apart or when it seems like nothing is happening, those are the moments that God is at work. He’s asking us to TRUST. He’s asking us to WAIT.

Much like in a car, hindi pwedeng dalawa ang nagmamaneho. It’s either you hold the wheel or you sit beside Him and give Him full control, otherwise, maliligaw ka, mababangga ka, masasaktan ka. That’s why you have to choose, it can never be both.

Today, I pray for all those who are lost, confused and worried. May you allow His amazing love to comfort you and may you surrender everything to Him so you could clearly see which direction He wants you to take. If you can’t get the answer now, if you feel that He’s being “too silent”… be patient, my dear friend, because God will make things perfect for you. It may take time but have faith that GOD’S BEST IS ALWAYS WORTH THE WAIT.

If you have experienced God’s awesomeness, I encourage you to share. Masarap Siyang pag-usapan lalo na kung may makakabasang mga tao sa friends’ list mo na gustong gusto Siyang makilala. :)


May God bless your heart.

Carpe diem!

Facebook: facebook.com/abciddy
Twitter: @abciddy
Instagram: abciddy
Wattpad: wattpad.com/abciddy

Monday, May 23, 2016

The Five Stages of Relationship

A friend of mine shared this on Facebook and all I said after reading the fifth was "Wow. It made sense." So I just thought of sharing this to you guys. I'm not sure who the real source is but to the one who originally wrote and posted this, thank you and credits to you. :)






If you are in a relationship now, I pray that you reach all the five stages and may you learn and find the true meaning of "love" in each.

Sa mga single naman, dadating din yan. Sabi nga ni Madam Alam Moreno... "dasal lang talaga". :p

Carpe diem!


Facebook: facebook.com/abciddy
Twitter: @abciddy
Instagram: abciddy
Wattpad: wattpad.com/abciddy

Tuesday, May 10, 2016

An Open Letter to My First Love and Eternal Bestfriend



Hindi ko alam kung papaano ako magsisimulang magpaalam sayo kasi sa totoo lang, ayoko. Alam mong hindi ako sobrang iyaking tao pero hindi ko akalain na of all people, ikaw pa makakapagpaiyak sakin ng ganito. Ayoko ng ikwento kung papano tayo unang nagkakilala o kung papano tayo nung huli tayong nagkita kasi ang sakit sakit na ng ulo ko kakaiyak. Sa haba at lalim ng pinagsamahan natin baka makatapos ako ng isang libro kaka-enumerate ng memories ko kasama ka.

Lahat ng kaibigan ko kilala ka kasi kahit sa getting to know stage pa lang sa lahat ng nakakasalamuha ko, nababanggit na kita. Ganun ka kahalaga sakin, bes. Parang kalahati ko yung nawala. Paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko kahapon, papano na si Jane kung walang Alvi? You left such a big hole in my heart. Kahit pagsama-samahin lahat ng heartaches ko sa buhay mula ng pinanganak ako, by far, losing you is the most painful. Though we had our mini-fights and silent treatments, kahit paulit ulit pa bes, basta pag tatawag ako sayo para makipagbati, alam kong nandyan ka, may magrereply. Ngayon wala ng sasagot sakin. Wala na kong aabangan na magtetext ng “Bes?”

I may know a lot of people and I’ll probably meet more, but no one can ever replace you because what we had was different. It was unique, it was pure. You are the only person who know me too well dahil ikaw lang ang nag-iisang taong dumaan sa buhay ko na naencompass lahat ng klase ng relasyon sa akin. You were once a stranger who became my classmate, my friend, my first love and first boyfriend, my dancemate, my bestfriend, my brother, and my dream partner. Naalala mo nung high school tayo may sinulatan tayong 20-peso bill, binayad natin sa canteen at sabi mo “pag ito bumalik sa isa satin, ibig sabihin tayo talaga”. True enough, nung college na tayo bumalik yung 20-peso bill nung sinukli sayo sa MRT. From then on, we just knew that we have a different kind of connection, we were soulmates. Sabi mo nga “not meant for each other but meant to be together… as friends”.

Maraming salamat sa halos dalawampung taon ng pagkakaibigan, bes. Thank you for being the amazing person that you are and for spending enough time with me in your lifetime. I don’t know if I will ever get over this grief dahil sigurado ako na tuwing maaalala kita, malulungkot ako kasi mamimiss kita. Yung tawa mo, yung mga corny mong jokes, yung pangungulit mo pag nahahyper ka, yung pananahimik mo pag nag-iisip ka, yung gigil mo sa pagkanta kahit nasisintunado ka, yung mga reklamo mo pag ang init init, yung hilig mo sa pagkain, yung pagyayaya mo manood ng movie kasama si Mike pag wala tayo pareparehong magawa, lahat bes. I learned so much from you when you were still with us at ngayong umalis ka, may natututunan pa rin ako. Thank you for teaching me to stay true to myself and for making me realize how short our life is. Na lahat ng pinagkekwentuhan natin noon na gusto nating gawin, simulan ko na kasi hindi natin alam kung ano mangyayari bukas.

I never imagined myself in my old age not having you around, bes. Sabi ko pa nga dati diba, sana tabi tabi tayo ng bahay nila Mike pag matatanda na tayo. Maghihiraman ng toyo. Maghihingian ng suka. I never really cared if in time mabibilang ko nalang sa daliri ko kung ilan ang mga kaibigan ko just as long as you’re one of them. Pero pangako ko sayo, in all my highs and lows, magiging bahagi ka pa rin nun. Yung kwentong sinulat mo na sabi mo hindi mo matapos tapos, hahanapin ko bes and I will make a masterpiece out of it. I promise you, I will pursue all my dreams, lahat ng sabi mo sakin na naniniwala kang mapagtatagumpayan ko, I will do all of it in honor of you.

I may have not been there but I take consolation on the fact that you were with your family and the love of your life during your last moments. Everyone who you left behind especially those who are closest to your heart, we will stay strong bes because I know that this is what you want, for us to heal together. I will talk to you everyday, Alvi, and I will write you as many letters as I can for the rest of my life. One day, when we meet again, payakap ha? Hindi ko kasi nagawa yun nung huli tayong nagkita. We supported each other sa lahat ng bagay, at ngayon, for the last time, kahit ayaw kong iwan mo kami, alam kong diyan ka makakahanap ng kapayapaan. Pakibulong na lang sa Kanya na maraming maraming salamat dahil pinahiram ka Niya sa amin. Pahinga ka na, bes.

PS: Theme song natin nung elementary (na tawang tawa tayo pag pinaguusapan natin)… Ikaw pa rin ang maaalala ko tuwing maririnig ko yung “It Might Be You”.

Mahal na mahal kita, bes. Goodbye, my dear friend.

Saturday, May 7, 2016

Movie Review: This Time



A few readers of mine who are devoted JaDine fans asked me to write a review about James Reid and Nadine Lustre's new film entitled "This Time". I watched the movie and here's what I can say about it... pero teka, disclaimer muna. Ayoko pong ma-bash. Haha! Ito ay pawang opinyon ko lamang. It's up for you guys how you'll take it. I know how passionate some fans can be but I hope wala namang violent reaction. Hehe! 

So, here it goes...

Cinematography, film editing, musical scoring... ANG GANDA. Lalo na yung mga eksena nila sa Japan. Hinintay ko matapos yung credits. Kudos to Viva for employing Japanese experts to join their prod team lalo na dun sa mga eksena nila sa Japan. Napakaswabe ng mga shots. I have watched all their movies, kung sa teknikal lang this is by far the best. In terms of story, it was very light. Ok yung script. Maganda yung batuhan ng linya. Swak, hindi pilit. Winner yung supporting cast especially Candy Pangilinan. I love that part yung sa "special friend, special room, special pathway, special mention, etc" This is the funniest she has ever been in a movie. Galing ng comic timing and bitaw ng linya. James is a bit bulol pa din, fits the character though since si Coby naman hindi naglalagi sa Pilipinas. He's such a debonair. Sa lahat ng movies niya, dito siya pinakagwapo. Nadine, as always, is very simple. Acting-wise, simple din. Walang eksenang grand so hindi niya nashowcase yung skills niya sa drama which is appropriate naman din for the story kasi wala namang bigat yung kwento talaga. Believable siya as a fine arts student. Bagay sa kanya mga ganung roles na medyo artsy. Yung kwento, medyo mababaw yung gay friend na pinagselosan angle. I wish the writer could have played more sa arc nung long distance. I think mas relatable yun. Overall, I still think that Diary Ng Panget is the most entertaining and most kilig but This Time is a good film para matanggal yung Clark-Leah character nila sa kanila. And sa teknikal, ito yung the best. Thumbs up. Worth watching. Kumbaga kung hindi ako fan at first time ko manonood ng JaDine movie, worth the time and money. Saktong pampa GV. I love the ending scene, by the way. That's their most kilig scene for me kasi it looked candid and real. :)

Naisip ko lang as alternative ending... (Disclaimer: Ito ay pawang opinyon ko lamang. Naglaro ang isip ko, naglakbay, napatanong ng "what if". Wala sanang maoffend.)

After nila sa Japan sana dun na sila pinaghiwalay. Na mas pinili nila not to pursue the relationship kasi dun mafifeel yung agony eh. Dun magkakaron ng bigat. Yung feeling na mahal mo pero di pwede maging kayo. Gustong gusto mo pero ang layo layo niyo. Walang problema sa feelings niyo pero yung problema external. Yung circumstance. Dun mas mararamdaman ng tao yung kwento. Kaya nga sabi ko earlier they could have played more sa angle na yun. Wala na yung sa gay friend. Mas marami maeexplore dun eh. Sana nilagyan ng konting weight. Kunwari yung final exhibit say after a year or so siya nangyari, ininvite ni Ava si Coby pero hindi nagreply so she assumed na baka nakalimutan na siya, na nagpalit na ng number, na wala na talaga. Then sa exhibit, kung kailan wala ng tao, pasara na, maiiwan si Ava, meron isang masterpiece dun, kunwari yung ginawa niya sa Japan nung huling beses sila nagsama, inspired by their love story, just when the lights are about to be turned off may hahawak sa kamay niya or may tatabi sa kanya. Magsasabi lang ng one liner na may significance sa kanilang dalawa. Yung boses, yung feeling na parang tatalon yung puso mo, lalabas sa dibdib mo, the first glance after a long time of not seeing each other... iba. Something like that (or maybe a scene less cheesy than this, basta parang ganyan. Haha!). Simple ending pero may impact. Kumbaga nagkaron ng time and space for longing. Na dun nila marerealize na despite the time and the distance sila pa rin talaga. Sabi nila dun sa Japan "the universe conspired for us to be together". How about kung yung ending hindi na yung universe ang nagconspire, how about kung "this time" it was already their choice to be together, hindi na tinadhana kundi pinili na nila. :)


Carpe diem!

Facebook: www.facebook.com/abciddy
Twitter: @abciddy
Instagram: abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/abciddy
smile emoticon

Tuesday, February 2, 2016

Bakit Ka Nga Ba Na-in Love Sa Maling Tao?



I was reading private messages on my Facebook page the other day and there’s this guy who asked me:

Bakit lagi ako napupunta sa maling tao at maling pag-ibig?

My reaction: Ay… ang bigat. :p

Hindi ko alam kung paano sasagutin so it took me a few days kasi kailangan pag-isipan. I promised him that I will write something about it so… here it is.

Wow. I wish I knew the answer. Really. Kasi kung alam ko yung sagot, ang saya saya nun. We could all dodge the Brokenheart Avenue and cut the trip short to Forever Lane. But the thing is, minsan kailangan mo maranasan kung ano ang mali para malaman mo at mas maappreciate kung ano yung tama. Lucky are those people who find their true love early but I’m pretty sure hindi rin yun perfect. In their journey to finding “forever” in each other, sigurado yun na ang dami din nilang pinagdaanan. But most of us, we had to go through a series of failed relationships and love the wrong people before we finally meet the “right one”.

I assume may pinagdadaanan ka kaya mo naitanong yan sakin and I really wish I can say something to make you feel better but I guess that’s one thing na nagpapaganda ng buhay. Yung magkaron tayo ng mga experiences na kailangan i-endure so we could grow as a person and make us better.

I don’t know if this applies to other people but I will take my experience for an example. Tao lang ako, disclaimer ha. Lahat naman tayo pag nasaktan or nadisappoint, we tend to see things negatively so aaminin ko na initially, lalo na pag fresh pa yung heartbreak, feeling mo mali yung nangyari. Mali yung tao. Mali yung naramdaman mo. Mali lahat. Pero ngayon kasi when I think about all my failed relationships, walang bitterness. Hindi mo mababago yung nangyari. May mga part na mapapailing ka nalang kasi maaalala mo na nasaktan ka pala but those experiences, yun yung dahilan why I am the way I am now and I love myself now more than ever. I love all my scars because they remind me so much of how genuinely my heart can love and how far I have gone to heal. So if you are going through something painful now, embrace the feeling because it won’t last, I promise. It may take you a long time but believe me, you will love yourself more after that.

Some people who go through heartbreaking moments tend to blame everything on “love” so uunahan ko na kayo. Love does not suck. What people do with it does. May iba na tumatanggap lang, hindi nagbibigay. May iba naman na nagbibigay lang pero hindi naman pala handang tumanggap. Some people don’t know what to do with it so they ignore how they feel. May iba na inaalagaan. They make it grow. They share it. Bawat tao, bawat klase ng pagmamahal, iba iba. But I never doubted, not even for a second, that it’s real. That “true love” or “forever” or whatever people want to call it, yes my dear friend, it exists. I haven’t dated in a long time but I fall in love every single day. I find reasons to believe in it. I see it with my dog when he licks my face in the morning. I see it with my brother and his girlfriend when they laugh at each other’s corny jokes. I see it with my parents who hold hands when they watch TV. I see it with lolos and lolas who walk beside each other in malls. I felt it with my exes who I loved immensely and who I believe at some point loved me back sincerely. I see it in mothers who look at their child as if they are the most beautiful thing in the world. I see it with my friends who bug me every now and then because they miss me. And best of all, I feel it whenever I put my hands together in prayer. You see it everywhere. It may have failed you at one point in your life but that doesn’t mean na hindi yun totoo. True love exists so don’t let pain make you believe otherwise. Sometimes I wish I could let others see life and love the way I see it because despite all the awful things around us, it is so damn beautiful.

Pag nagmahal ka, magmahal ka lang. Pag binalik sayo, pag sinuklian ka ng tama, be grateful and take good care of it. Kung hindi naman, tanggapin at magpatawad dahil ang puso mo, pag busilak, pag totoo, gagawa ng paraan ang langit para ibalik yan sayo. :)

Carpe diem!

Facebook: www.facebook.com/abciddy
Twitter: @abciddy
Instagram: abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/Abciddy



Monday, February 1, 2016

A Letter to My Readers

This letter is actually long overdue. I was supposed to write this as a part of my New Year ritual but I got a bit preoccupied with so many things the past few weeks. Still writing and posting it now because I really want my message to come across kaya medyo bear with the drama parts nalang :p

First of all, I would like to say THANK YOU to everyone na naging bahagi ng writing journey ko. It has been awesome since Project Ex at talagang nakakamiss kayong kakulitan. Thank you for being my source of strength and motivation. Marami sa inyo laging sinasabi that I have inspired you in some way pero gusto kong malaman niyo na kayo din ang inspirasyon ko why I do the things that I do. Thank you for giving me so many reasons to keep this fire in my heart burning. I can’t thank you guys enough for the love and support.

To all the admins of Abciddinians (Dezza and Jenny), Team ABCD (Thet, Mommy Faith, Levi and Vi-anne), WeLoveAbciddy and sa mga OP’s ng mga social media accounts ng mga characters sa mga kwento ko, you guys amaze me. Really. The dedication and the time that you are giving just to show your support to me, ibang klase kayo. Sa lahat ng bumili ng libro ko, sa mga nagbasa at patuloy na nag-iiwan ng feedback sa mga pinopost ko sa Wattpad, sa lahat ng nagbibigay ng suggestions at requests, sa lahat ng love messages and tweets that you guys send me, sa appreciation, sa mga ngiti at hello at mga personal letters na natanggap ko sa mga booksigning events… MARAMING MARAMING SALAMAT. You guys have no idea how grateful I am to God for giving me each one of you. I hope you guys know that I cherish this small family of ours and I will continue to share stories hanggat humihinga ako.

Sa mga nagtatanong what’s going to happen next with Abciddy, naku. Mahirap magupdate ng mga ganap ko sa ngayon because I’m working on so many things. If you have been reading my blogs and social media posts, I’m sure you guys know my ultimate dream and I have been working on it for years but I made a conscious decision that I’ll do it full blast this 2016. I have dropped a few activities so I could focus on writing so expect several updates here and there starting this month of February.

Kung ako ang tatanungin, I am already living the dream. Hindi pa man dumadating yung major break na hinihintay at pinagdadasal ko but having published a physical book (Thank you so much PSICOM) and 5 stories in Wattpad, plus having awesome readers like you guys who I consider my friends too, this is way more than I have imagined. Sa mga masusulat ko pa in the future both books or movies (hopefully, Godwilling), sa passion na meron ako ngayon, all of it I offer first to the Lord and of course, sa inyong lahat who have walked with me on this wonderful journey.

About the get-together, yes. Magkakaron po this year. It was hard to plan it in 2015 but whatever happens, we will make it happen this year kasi excited na ko talaga na makabonding kayong lahat. Hopefully, this year din, if time and budget will permit, I really want to push yung free writing workshop as a form of giving back na rin to the writing community. I’m also thinking of one charity event din that will involve volunteer work from my readers who would like to take part. Help me pray na maachieve natin lahat yan this year.

To end this open letter, I would like to encourage you guys to make the most out of 2016 because this year will only come once. Hindi na maibabalik. There’s always something special in turning a new leaf so take this as an opportunity to start fresh.

Sa mga students, study hard. I know cliché na pakinggan pero totoo, pag labas niyo sa real world mamimiss niyo ng sobra ang pagiging estudyante because the battle field when you leave school is a lot tougher and you will need to carry as much good memories as you can to keep you going. Work on your future now. Get good grades, do well in school, enjoy the company of your friends, and ito, totoo ‘to, get to know your teachers and professors because you will benefit from their guidance and wisdom.

Sa mga nagtatrabaho na, kahit na ano pa ang edad niyo, pursue whatever it is that God wants for you. Share your blessings and always value kindness and generosity because trust me, it will go a long way. Kung may pinagdadaanan ka, sa trabaho man yan o lovelife o kung ano pa mang aspeto ng buhay, isa lang ang weapon mo to survive – PRAYER. Never forget that.

Sa lahat ng mga nangangarap, God knows your heart. Gaya ng sinabi ko sa isa kong tweet… BELIEVE IN WHAT YOU PRAY FOR. Whatever dreams you have, work for it. Sabi nga nila “The more seeds you plant, the more chances to harvest.” Walang sukuan kahit mahirap… dapa, tayo, lakad… tuloy lang.

Tonight and always, I will pray for your heart and your dreams. God bless you guys! :)

Carpe diem!

Facebook: www.facebook.com/abciddy
Twitter: @abciddy
Instagram: abciddy
Wattpad: www.wattpad.com/Abciddy