I had a long discussion with a friend about this whole
3-month rule. Funny kasi nagsimula lang sa usapan tungkol kay Taylor Swift at
nauwi na sa personal niyang hugot. Haha! Anyway, she told me “Hindi man lang
naghintay ng tatlong buwan” and it had me thinking. Sino ba nagpasimuno niyang
3-month rule na yan at anong meron sa tatlong buwan para masabing okay ng
makipag-date or to be in a relationship again after that?
The thing is… hindi ko matrace kasi to be honest, I first
heard of it sa movie na “One More Chance” at prior to that I didn’t even know
that such a rule exist. I’m not sure kung may ibang nakakaalam niyan or baka
na-mind condition tayo ni John Lloyd na dapat “Tatlong buwan bago ka
makipagrelasyon sa iba. Bakit ba kating kati kang palitan ako?!” (Apologies.
Memorize ko na yata mga linya ni Popoy. It just flows. Haha!) :p
Okay, disclaimer muna. Bago may magviolent reaction, ito ay
pawang opinyon ko lamang at sarili kong pananaw sa buhay at pag-ibig. Wala
akong nais patamaan kaya pasintabi sa mga makakarelate. :)
Hindi ko alam kung natackle ko na ‘to sa iba kong blog but I’ll
write about it anyway. Para sa’kin,
walang pinipiling panahon ang pagmomove on. Iba iba kasi ang tao. May iba na
mabilis, may iba na mabagal. May iba na akala mo nagka-amnesia after the
breakup, may iba naman na nastuck na. Hindi mo pwedeng ikahon ang isang tao na “o
dapat after 3 months ka pa magmove on”. I’m not saying that you shouldn’t mourn
when a relationship dies. Hello?! Ako pa ba eh alam niyo namang may
pagka-hopeless romantic ako. Kung meron mang pinaka-importanteng bagay sa’kin,
that would be the relationships that I have (with God, family, friends, jowa, etc).
Of course, when you lose someone, it’s normal to grieve, to be sad about it, to
take your time to embrace the loss and most importantly, to heal.
Walang specific na oras ang makakapagdikta sa kung ano ang
dapat mong maramdaman. Kahit gaano pa kayo katagal, 3 days, 1 week, o umabot
man kayo ng 4th monthsary o 2 anniversaries, WALANG KAHIT NA SINO
ANG MAY KARAPATAN PARA SABIHIN SAYO NA DAPAT NAKA-MOVE ON KA NA. It could take
you a month, 3 months, a year, who the heck cares? Puso mo yan, ikaw lang ang
dapat nakakaalam.
If you have an ex na nakamove on agad, may karapatan ka
masaktan. Pero ibang usapan yung magagalit ka. Wag na natin isipin kung sino
ang nakipaghiwalay kasi sa totoo lang, when two people breakup, it doesn’t
really matter who broke up with who. Hindi dahil ikaw ang nakipaghiwalay
kailangan antayin mong mauna makamove on yung ex mo para di ka maguilty. Hindi
rin dahil ikaw ang hiniwalayan ibig sabihin na magkukumahog kang makahanap ng
iba para lang patunayan sa ex mo na nagkamali siya na iniwan ka niya. You move
on because that’s the next thing you should do when a relationship ends, not
because gusto mong gumanti at saktan yung ex mo. Kasi pag ganyan, rebound naman
yan teh!
So again, if you’ll ask me kung okay lang ba sa’kin if ever
na may ex ako na nakamove on agad… YES! When two people breakup, kasunod na
yun, na one day may mamahalin siyang iba at ikaw ganun din. Nagkataon lang na
either ikaw o siya, mas napaaga. Pero ito yun… when that happens, RESPECT
should remain. For me, it’s okay if you will be in a relationship right away.
Buhay mo yan. Masasaktan ako, pero still, buhay mo yan. At dahil wala na tayo,
choice mo na yan kung anong trip mo sa buhay mo. I won’t meddle kasi aside sa
wala na ‘kong right, eh dapat lang din naman na wala na ‘kong pake. PERO… kung
gusto magmove on agad agad, PLEASE, PLEASE LANG… don’t shove it to your ex’s
face. I mean at least be discreet about it in the meantime. Wag naman yung post
ng post. It could be an expression of love sa current jowa pero alang alang sa
pinagsamahan niyo ng ex mo, hindi naman sa itatago mo pero hayaan mong malaman
niya ng kusa. Hindi yung sasadyain mong ipakita sa kanya o malaman ng mga taong
malapit sa kanya kasi kahit ano pa yung pinagdaanan niyo, respect your ex. Dun
mo malalaman din kasi yung halaga mo sa isang tao. Hindi lang sa mag-ex gf/bf,
pati na rin sa ex-friends, or anyone you cut ties with. Pag alam mong wala ng
mapapala sayo yung tao, you have no use in his or her life anymore (sorry kung
medyo harsh yung term), but still nirerespeto ka at yung mararamdaman mo, ibig
sabihin nun kahit wala na kayo sa buhay ng isa’t isa, pinapahalagahan niya yung
pinagsamahan niyo. At ako sa totoo lang mataas ang respeto ko sa mga taong
ganun mag-isip.
The things I said earlier would only apply kung lumandi lang
si ex AFTER niyo magbreak. Ibang usapan ang OVERLAP. Kasi para sa’kin ang
OVERLAP ay isang form ng CHEATING and CHEATING will never be acceptable. Ewan
ko sa definition ng iba pero para sa’kin, cheating is not just being in a
relationship with two people at the same time. Para sa’kin, ang cheating nagsisimula
pag nag-entertain ka ng ibang tao when you know that you are in a relationship.
Wag tayo magbolahan. Alam natin pag nakikipag-flirt tayo. Alam din natin ang
klase ng usapan na walang malisya. So pag nagsisimula ka ng magtago sa
karelasyon mo at nakakaramdam ka ng kawalan ng gana sa gf o bf mo dahil diyan
sa kinakausap mo, YES, form of cheating na yan. And when you break up with your
current partner because of that, OVERLAP NA PO YAN. Wag ka magdahilan na kesyo
nawawalan kasi ng panahon sayo jowa mo o na kesyo boring na kasi, wala ng
spark, etc. Kung hindi ka nag-entertain ng iba habang kayo pa, hindi mo
mararamdaman yan. When you’re committed to someone, act like it. Kung
nararamdaman mong you want to flirt back with someone other than your partner, makipaghiwalay
ka muna. Hindi yung maniniguro ka kung may pupuntahan kayo bago mo bitawan yung
isa. Marami akong kilalang nasira ang relasyon dahil sa ganyan. Tetestingin
muna, landi here and there, itatago sa gf/bf, pag sure na siya na sasaluhin
siya nung isa saka bibitawan yung jowa. Bad yun. Wag maging unfair. Ang lagay
nagmomove on ka na hindi pa man kayo break. Remember that when you start
entertaining someone while you are in a relationship, dun pa lang nilamatan mo
na yung relasyon niyo. Kung nakakafeel ka ng urge to flirt or date other
people, don’t do it behind your partner’s back. Gawain lang yun ng taong single
so maybe at the back of your head, gusto mo talaga maging single kasi kung
mahal mo talaga yung gf/bf mo, ni sumagi sa isip mo na magentertain ng iba,
hindi mo magagawa. So just initiate the breakup then do whatever you want after.
;)
Hindi ko na babalikan yung tungkol kay Taylor Swift. Single
siya, single si Calvin Harris, single din si Tom Hiddleston. Single ang ex mo,
single ka na din (at please lang make sure na single din yung susunod mong
ide-date). Walang masama kung gusto mo na magmahal ulit. Basta wag mo lang
kakalimutan, whatever you do days or weeks after your breakup, minsan mo ding minahal
yung ex mo kaya remember… RESPETO. :)
Carpe diem!
Facebook: facebook.com/abciddy
Twitter: @abciddy
Instagram: abciddy
Wattpad: wattpad.com/abciddy